"You have to stay fit and healthy, especially now that you are married,” payo nito sa kanya. Kasama niya ang manugang at kasalukuyan sila nitong nagyo-yoga session. Tumango naman siya bilang pagsang ayon dito. Tinuruan siya nitong gawin ang butterfly pose na agad naman niyang nakuha. “Just relax, inhale and exhale,” patuloy nito habang nakapikit ang dalawang mata. Sinunod naman niya ang sinabi nito. Nararamdaman niyang gumagaan ang kanyang pakiramdam. Bakit ba hindi niya naisip gawin iyon nang mga panahong nai-stress siya? “Wow, nakakarelax po talaga ng buong katawan ang pagyo-yoga,” komento niya habang nakapikit din ang mga mata. “Gaano katagal niyo na po itong ginagawa?” tanong niya habang nananatili sa dating posisyon. Tulad ni Hugo ay nakakaintindi rin ito ng tagalog. Napag alaman ni

