Chapter Five

1717 Words
Mabilis na lumipas ang mga araw. Pinatunayan nga ng binata ang pagiging seryoso nitong ligawan siya. Lagi itong sumasabay sa kanila ni Tricia na umuwi galing sa paaralan. Tuwing sabado't linggo ay bumibisita ito sa bahay nila. Magkasundo na nga ito at ang ina niya. Botong-boto pa ito sa binata. Hinayaan na lamang niya ito sa ginagawa. Nababawasan na rin ang pagsusungit niya dito. Syempre pakipot muna ako ng konti. Naging abala ang mga mag aaral para sa nalalapit na intramurals. Naka-assign ang section nila sa fourth year highschool para mag handa sa mga activities na lalahukan ng mga estudyante. Sila ni Tricia kasama ang apat pang mga ka-klase ang nakatalaga sa Physical Activities. Ilan sa mga napili nilang activities ay ang Pinoy henyo, badminton at ilan pang mga pa games. Ang grupo naman nina Hugo at Rick ay sa basketball game at badminton nakatalaga. Nag organize na ang mga ito ng mga team na maglalaban-laban mula freshman, sophomore, junior at senior high school. SUMAPIT ang araw ng intramurals. Napuno ng mga estudyante ang malawak na quadrangle. Ang lahat ay may mga nakahandang cheer dance at kanta para sa mga pambato ng kani-kanyang antas. Maraming booth Camp ang nagkalat sa paligid. May mga mini store pa na nagbebenta ng iba't ibang flavor ng cookies at ice-cream. Isa iyon sa inorganisa ni Tricia dahil hilig nito ang mag bake. Siya naman ay sa Pinoy henyo. Siya ang taga-lagay ng harina sa mukha ng mga naglalaro at nag-e-enjoy siya sa ginagawa. "Lily," tawag ng kaibigan niya nang matapos ang isang batch ng mga naglalaro. Napalingon naman siya dito. "Bakit," baling niya sa kaibigan. "Manuod tayo ng laban nina Rick at Hugo sa basketball. Tara na kailangan may mag cheer sa kanila," pamimilit ng kaibigan. "Teka, sandali lang. Magulo ba ang buhok ko?" conscious niyang tanong. Sinipat naman siya nito. "Okay na yan. Gusto ka pa rin naman ni Hugo kahit di ka mag suklay," panunukso nito. "Bruha ka! ayaw kong---" nabigla siya nanghilahin siya nito. "Sandali lang!" sigaw niya nanghilahin siya nito. Wala na siyang nagawa hanggang sa marating nila ang covered court. Maingay sa lugar dahil sa mga estudyanteng nag-chi-cheer. "Go, fafa Anderson! Ang pogi mo!" tili ng isang estudyante. Dinig na dinig ang matinis na boses nito. Nakita niya sina Natasha at tatlo pang kaibigan nito na nakapang cheer dance costume pa. Nahantad ang mahaba at makinis na biyas nito. "Go, Hugo!" sigaw din nito. Bigla siyang nairita dito. Batid niya namang may crush ito sa binata. Iyon nga lang ay ayaw itong pansinin ng huli. Iginiya siya ni Tricia sa bakanteng pwesto. Lamang ang Sophomore team kontra Senior na kinabibilangan ng kanilang mga ka-klase at iba pang fourth year students. Hawak ng kakampi nina Hugo ang bola ngunit naagaw ito ng kalaban. Naaaninag niya ang pagkadismaya ni Hugo. Pawisan na ito at basa na rin ang jersey nito. Last quarter na iyon ngunit sampo pa ang lamang ng kalaban. Maging si Rick ay hinihingal at pawisan na rin. Muli na naman niyang narinig ang maingay na grupo nina Natasha. Napasimangot siya. Nagpatawag ng time out ang coach ng mga ito. Tila wala sa sarili si Hugo at palinga-linga sa paligid. "Kaya nyo 'yan Rick at Hugo," sigaw ng kaibigan niya. Iyon ang naging dahilan para magawi sa pwesto nila ang tingin ng binata. Nagtama ang kanilang mga paningin. Siniko siya ng kaibigan. "I-cheer mo kasi para ganahan maglaro," natatawang baling nito. "Go, Rick! Sigaw muli ng kaibigan niya. "G-go Hugo!" naiilang niyang sigaw. Sa totoo lang ay nahihiya siya. Bigla ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ng binata. Nang magsimula ang laban ay tila nabuhayan ito. Nang ipasa dito ang bola ay walang mintis na na-shoot nito iyon. Hiyawan ang mga nanunuod. "Iyon naman pala. Ikaw lang ang kailangan," panunukso ng kaibigan niya. Makailang beses pa itong naka-shoot. Maging si Rick ay magaganda ang naging pasa ng bola kay Hugo. Ilang minuto na lang ang natitira ay nakabawi ang Team ng Senior. Hanggang sa matapos ang laban at nanalo ang Team ng senior. Tuwang-tuwa ang mga manlalaro at nagyakapan pa. Binuhat nila si Hugo dahil ito ang itinanghal na MVP sa laro. Nagpa-picture ang buong team ng may trophy. May mga ibang lumalapit sa mga player para magpa-picture. Natabunan na ng mga babaeng nais magpa-picture sina Hugo at Rick. "Halika lapitan natin sila," pag aya ni Tricia. Nag alangan siya. Ayaw niyang makipagsiksikan sa mga ibang estudyante. "Huwag na. Next time na lang," walang gana niyang sabi. Bago pa makapag protesta ang kaibigan ay umalis na siya sa lugar na iyon. Mukhang busy naman ang bakulaw sa mga nagkaka-crush dito. Namalayan niyang nakarating na pala siya sa likod na bahagi ng school. Walang gaanong tao roon. Naupo siya sa bakanteng bench. Nakakainis ka talagang bakulaw ka. Hindi mo pa nga ako girlfriend babaero ka na. Himutok niya. Bakit ba ako naiinis? Nagtataka na siya sa sarili. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nanatili sa kinauupuan nang biglang may humawak sa dalawa niyang braso. Dalawang estudyanteng lalaki. May katangkaran ang mga ito kaya hindi siya makawala. "S-sino kayo? Pakawalan niyo ako!" nahihintakutan niyang sigaw. Pumalag pa siya ngunit malakas ang mga ito. Wala na siyang nagawa pa. Habang hawak siya ng dalawang lalaki ay may babaeng nag piring sa mga mata niya. "Sino ba kayo?" takot niyang tanong. "Huwag kang magulo. Ang mabuti pa ay sumunod ka na lang," anang isang lalaki. Nakaramdam siya ng labis na kaba. Ang alam niya ay wala siyang nakagalitan sa paaralan. Kini-kidnap siya ng mga ito. Wala na siyang makita dahil napiringan na siya. Wala siyang ideya kung saan siya dadalhin ng mga ito. Maya-maya ay huminto sila sa paglakad. Ipinasok siya sa kung saan. "Oh, bihisan nyo na ito," utos ng isa sa mga lalaking dumukot sa kanya. "T-teka sandali," angal niya. "Huwag kang magulo, Ate. Kami na ang bahala sayo," sagot naman ng isang tinig ng babae. Binitiwan na siya ng mga lalaki kaya nakahinga na siya ng maluwag. Akmang tatanggalin niya ang piring nang may kamay na pumigil sa kanya. "Hep-hep! Wag mo munang tanggalin," singit ng isang boses lalaki pero sa palagay niya ay pusong babae. "Hawakan mo ito," utos pa nito. May inilagay itong kung ano sa kamay niya. Hanggang sa matapos ang mga ito. Hindi na talaga niya maintindihan ang nangyayari. Mukha namang hindi masasama ang mga ito. Hindi naman siya sinaktan. Iginiya na naman siya ng mga ito kung saan. Namalayan na lamang niyang natanggal na ang piring niya sa mga mata. Nanlalaki ang mga mata niya nang makitang katabi ni si--Hugo! Nakasuot ito ng itim na suit. Tila nagulat rin ito nang makita siya. "Okay, uumpisahan na po natin ang seremonya ng kasal," tinig ng isang lalaki na nakapuwesto sa harapan nila. Nakapambihis pari pa ito. Kasal?! Nang pagmasdan niya ang sarili ay nakasuot siya ng puting dress. May maliit na belo pa na nakakabit sa ulo niya at may hawak siyang artificial bouquet ng puting rosas. " T-teka sandali lang---" nahihintakutan niyang sabi. Akmang aalis siya nang may mga lalaking humarang sa kanya. Naguguluhan na talaga siya sa nangyayari. "Naku kasal-kasalan na nga lang magra-run away bride ka pa?" naiinis na sabi ng isang baklang nagbihis sa kanya. "Ang guwapo kaya ng groom mo, teh? Ayaw mo ba? Ako na lang papalit sayo," maarteng sabi pa nito. Inayos nito ang pwesto niya katabi ni Hugo na tila naaaliw na naman. "Just relax," bulong nito. Naghatid iyon sa kanya ng munting kilabot. Nanatili siyang tuliro habang ginaganap ang seremonya ng kasal-kasalan. "Hugo Anderson, do you take Lilybeth San Agustin, to be your lawful wedded wife?" Tumingin muna ito sa kanya bago sumagot. "I do," seryosong sagot nito. "Lilybeth San Agustin, do you take Hugo Anderson, to be your lawful wedded husband?" baling naman ng kunwaring pari. Tila pinanuyuan siya ng laway. Dumadagundong na naman ang dibdib niya. Nakangiti naman si Hugo habang hinihintay ang sagot niya. "Ahm.." huminga muna siya ng malalim. "Relax lang po. Kunwari lang naman itong kasal," pampalubag loob ng kunwaring pari. "I-i do," nauutal niyang sagot. Lalong lumawak ang pagkakangiti ng bakulaw sa kanya. May sinabi pa ang kunwaring pari bago sinabing pwede na silang mag kiss. Umayos naman ng tayo si Hugo at humarap sa kanya. Unti-unting lumalapit ang mukha nito sa kanya. Na amoy na niya ang mabangong hininga nito. Tila siya naging robot. Namalayan na lang niyang dumampi ang mainit at malambot nitong labi. Ilang segundo lang ang itinagal niyon, ngunit halos panlambutan siya ng mga tuhod. Nanlalaki ang mga mata niya nang mag tama na naman ang kanilang mga paningin. First kiss ko iyon. Ang sarap pala! Pagkatapos ay may pinapirma pang pekeng marriage certificate sa kanila. May singsing rin silang gawa sa plastic. Tila siya ginayuma dahil wala siyang angal nang akayin siya ng binata. Nasa marriage booth camp pala sila nito. Ipinahubad na ang mga damit na ginamit dahil may susunod na namang biktima. Napakislot siya nang gagapin nito ang palad niya. Naramdaman niya ang init na nagmumula sa palad nito. "We will have our real wedding after we graduated in college," seryosong sabi nito. Kung makapagsalita ito ay akala mo kontrolado na nito ang mga mangyayari. "Sino naman ang may sabing magpapakasal ako sayo?" nakataas ang kilay na sabi niya. Hinigpitan pa nito ang hawak sa kamay niya. "Ako. I won't allow anyone to take you away from me," may pagbabanta pa sa tinig nito. "Ang kulit mo! Nakakainis ka!" nasabi na lang niya. "I am just telling the truth. You will remain single forever kapag hindi mo pa ako sinagot," pananakot nito. Tumawa naman siya ng nakakaloko. "Excuse me? Kahit ma-tsugi pa akong virgin noh? Hindi ako natatakot," pagyayabang niya. Napangiti naman ito. Tila enjoy na enjoy sa pagtataray niya. "Speaking of, we supposed to be in our honeymoon now," pang aasar nito. Pilyo pa ang pagkakangiti nito. Tila napaso at agad siyang napabitiw dito. "Mag honeymoon kang mag isa! Buwesit ka!" gigil na sabi niya. Kinikilabutan na talaga siya dito. Nag martsa siya palayo sa lugar. Dinig niya pa ang malulutong na tawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD