Chapter Twenty

1364 Words
Chapter Twenty MARAHAN niyang iminulat ang mga mata. Bahagya siyang nasilaw sa liwanag na nagmumula sa bintana. Nang subukan niyang kumilos ay nakaramdam siya ng kirot. Daig niya pa ang nag gym ng twenty four hours. Gayon pa man ay pinilit niya makaupo kahit napapangiwi sa kirot partikular sa gitnang bahagi ng kanyang katawan. Naalala niya ang sinabi ng kaibigan na ganun daw talaga sa umpisa. Hindi na niya matandaan ang nangyari matapos ang unang gabi nilang mag asawa. Napalingon siya sa pinto nang bumukas iyon. Iniluwa ang nakangiti niyang asawa. Yes, asawa na niya ito ngayon. Agad siyang nag iwas ng tingin dahil naka tapis lang ito ng tuwalya. Fresh from the bath ang six pack abs-- este macho body ng kanyang mister. May bitbit na tray na may lamang waffle sandwich at isang baso ng gatas. Naku naman! Kung everyday na ganito ang makikita niya every day siyang magiging inspired. "Breakfast in bed, my love," malambing na sabi nito bago ipinatong ang dalang pagkain sa ibabaw ng bedside cabinet. Pagkatapos ay hinalikan siya nito sa labi. Agad naman siyang na-conscious dahil hindi pa siya nakakapag-toothbrush. Marahan niya itong itinulak. "Hindi pa ako nakakapag-toothbrush mister," nakangiti niyang sabi. "Your lips are sweeter than honey. It makes me feel completely addicted to you," he said in a sincere tone of voice. "Naku ang bolero ka talaga. Let's eat na lang at baka kung saan pa mapunta ang usapan natin," aniya bago akmang aabutin ang kutsara ngunit na unahan naman siya nito. "Ako na my love. I want to treat you like a queen." Hindi na siya nakapalag pa nang isubo nito ang kutsara na may lamang slice ng waffle sandwich. Kung alam niya lang na ganito kasaya ang makasal dito noon pa niya ito niyayang magpakasal. "Kumain ka rin," aniya bago kumuha ng slice ng waffle sandwich at isinubo dito. Hindi naman ito tumanggi. Makalipas ang ilang minuto ay naubos din nila ang inihanda nitong almusal. Nang tangkain niyang bumaba sa kama ay hindi niya napigilan ang mapangiwi. Bakit ba naman hanggang ngayon ay masakit pa rin ang maselang parteng iyon ng kanyang katawan. "What's wrong?" nag-aalalang tanong nito. "M-masakit yung ano-" nag iinit ang pisnging sabi niya. Hindi niya magawang makatingin sa mukha nito. "It's okay, bubuhatin na lang kita," Bahagya siyang nagulat nang pangkuin siya nito. Ginawa na rin nito iyon nang nakaraang gabi matapos ng wedding celebration sa reception. "Where do you want to go, my love?" tanong nito habang nakatingin sa kanya. "Sa heaven tayo mister," pabirong sagot niya. Agad naman itong napangiti. "Don't test me, Mrs. Anderson," anito kasabay ng pilyong ngiti. "Hi Tita Mandy, have you heard about the news?" bungad na tanong niya nang may sumagot sa kabilang linya. Sinadya niyang palungkutin ang kanyang tono. "What's the news all about?" ganting tanong nito. Mukhang wala pa rin itong alam na ikinasal na ang bunsong anak nito. Gusto niyang sa kanya nito unang malaman ang balitang iyon. "Your son Hugo got married recently," "Are you guys in a hurry? Where are not yet done with the preparation-- "N-no Tita. It wasn't me," putol niya sa sasabihin nito. Sinadya niyang mas palungkutin pa ang tono kasabay ng ilang beses na pag singhot para isipin nitong umiiyak siya. "W-what do you mean? naguguluhang tanong pa rin nito. "Tita Mandy siya po yung social climber na ex ni Hugo," paliwanag niya. "Are you sure about this?" tila hindi pa rin makapaniwalang tanong nito. "Yes Tita. I'm so miserable right now," aniya bago sabayan ng pekeng hagulgol. "Calm down, hija. I will talk with him to clarify this," anito. "Thank you so much Tita Mandy," aniya na sinamahan pa ng pagsinghot. Makalipas pa ang ilang minuto ay natapos din ang tawag. Malawak ang kanyang pagkakakita nang maibaba ang kanyang cell phone. Marahan niyang inihagis iyon sa ibabaw ng kama. Ilang araw din niyang pinag iisipan kung paano makakaganti sa dalawa. Nakasisigurado siyang hindi magiging maganda ang paghaharap ng tatlo. "Anong gagawin mo ngayon, Lily?" tanong niya sa isip. Kung muli man nitong nabawi ang pinakamamahal nitong lalaki, nakasisiguro siyang hindi nito makakasundo ang mga in-laws niya. "Love, almost nine hours kang tulog. That's too much," bulong niya sa kaliwang tenga nito. Nakayakap siya dito at bahagyang nakasanday ang kaliwang hita sa binti nito. Mahina lamang itong umungol at ipinagpatuloy lang ang pag tulog. Hindi niya rin ito masisisi dahil hindi niya mapigilan ang sarili kapag kasama ito. Pinagmasdan niya ang maamong mukha nito. Hindi siya magsasawang titigan ito ng paulit-ulit. Dumako sa leeg nito ang kanyang paningin. Bakas ang mga markang pula roon. Napangiti siya nang maalala ang nagdaang gabi. Natigil ang kanyang pag iisip nang tumunog ang kanyang cell phone. Dahan-dahan ang kanyang kilos sa pag abot ng aparato para hindi ito magising. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay pangalan ng kanyang ina ang nakarehistro sa screen ng kanyang cell phone. Lumabas siya ng kuwarto matapos pindutin ang answer button. "What took you so long to answer my call?" iritadong tanong nito sa kabilang linya. "Mom--" hindi niya naituloy ang sasabihin nang muli itong magsalita. "I'm so disappointed," anito. "I will explain but not here," maagap niyang sabi. Sigurado siyang alam na nito na ikinasal na siya at hindi ipinaalam dito. "I want to talk to you as soon as possible," she demanded. Napakamot na lamang siya sa batok. Kapag ganun na ang tono nito at wala na siyang nagagawa. "I'll let you know as soon as I am available." Iyon lamang at ibinaba na niya ang tawag. Napaghandaan na rin niya ang sasabihin dito. Ang pinaka importante sa kanya ay maikasal sila ni Lily at bahala na siyang tanggapin ang galit nito. Nang buksan niya ang pinto ng kanilang tinutuluyan ay hindi pa rin ito natitinag sa pagkakahiga. Marahan siyang nahiga sa tabi nito. Ipinulupot ang kaliwang braso sa baywang nito. No one can tear us apart, my love. "Mister, h-hindi na ako makahinga sa kakayakap mo," reklamo nito. Hindi niya napansing humigpit ang pagkakayakap niya dito. Bahagya niyang niluwagan ang pagkakapulupot ng kanyang braso dito. "Do you want to take our lunch now?" tanong niya. Umayos ito ng higa paharap sa kanya. "Naku lunch time na pala. Bakit hindi mo naman ako ginising?" "Kanina pa po kita ginigising, Mrs Anderson," sagot naman niya. Gustong-gusto niyang tinatawag ito ng ganun. The one and only Mrs Anderson niya. Inilapit niya ang mukha para gawaran ito ng halik ngunit iniiwas nito ang mukha. "H-hindi pa ako nagto-toothbrush. Mamaya na lang yung kiss mo," paliwanag nito. "I've already brushed my teeth," aniya bago muling ilapit ang kanyang mukha dito. "Ikaw yun," mataray nitong sabi. Marahan siya nitong itinulak. Hindi naman siya nagpatinag. Binuhat niya ito ngunit nagpupumiglas ito. "Saan mo ba ako dadalhin?" naiinis na tanong nito. " Sa bathroom love. Kailangan na kitang paliguan," paliwanag niya habang patuloy itong binubuhat parungon sa banyo. Hindi na ito nagpumiglas pa. Nang makapasok sa loob ng banyo ay maingat niya itong ibinaba malapit sa bathtub. Lumiwanag ang mukha nito nang makitang nakahanda na ang pampaligo. Gustong-gusto nito ang magbabad sa bathtub na may rose petals. "Salamat sa paghatid mister. Makakaalis kana," pagtataboy nito. Hindi naman siya natinag sa kinatatayuan. Naghugas ito ng kamay at naghilamos. Napakunot ang noo ng mabungaran pa rin siya roon. Humarap ito sa kanya. "Mister pwede mo na akong iwan dito," nakapamaywang na sabi nito. Kahit napakamaldita ng misis niya ay tila walang epekto iyon sa kanya. Isa pa nga iyon sa katangian nito na nagustuhan niya. "Wala akong balak na iwan ang asawa ko," kalmado niyang sabi. I will never ever leave you. Never. Isipin niya pa lang na magkakahiwalay na naman sila nito ay baka mabaliw na siya. "Ang OA mo na. Dito lang naman ako sa CR. Hindi ako mawawala," nagtitimping sabi nito. "Dun ka sa labas," anito nang makalapit sa kanya. Hawak ang braso ay iginiya siya nito palabas. "Hintayin mo na lang ako d'yan okay," utos nito na parang maliit na bata ang kausap. Hindi na nito hinintay pa ang sasabihin niya ay isinarado na ang pintuan ng banyo. My adorable wife. Napapailing na lang siya nang magtungo sa bedroom para doon ito hintayin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD