Chapter Seven -Karen- Mabilis ang mga pangyayari sa aming dalawa ni Senyorito Zandro, nung araw na yun ay nagtapat s'ya sakin ng kanyang nararamdaman at kung gaano ako nito kagusto na makasama sa araw-araw, nagugulahan pa ako at nalilito subalit hindi ko rin maintindihana ng aking damdamin para sa aking amo. Alam ko kung anong klase babae lang ako at alam ko rin na darating ang araw na hindi kami ang magkakatuluyan dahil sa amo ko ito at isa lamang akong katulong. Mahirap man tanggapin subalit alam kong yun ang mangyayari, subalit sinasabi ng puso ko na maaari rin akong mahalin nito at hindi sasaktan. Alam kong hindi magiging katanggap-tanggap kung ang isang tulad ko lang ang mamahalin nito, kaya naman gustuhin ko man tumanggi sa naging turan nito sa akin ay hindi ko ipinahalata dahil al

