Chapter Nine -Zandro- Naka lock ang pinto ng kuawrto kaya walang makakapasok kahit na sino man, magulo na rin dito at dalawang kamay ko na ang may tumutulong dugo wala na rin naman akong pakialam dun, hindi rin ako makaramdam ng kahit anong sakit o hapdi dahil sa mga sugat ko. Alam kong nasa labas ng kuwarto si Nana Mila para tanungin kung gusto ko ng kumain dahil alam kong nakita ako nito kanina ng lumabas ako sa kuwarto nila Karen. Kilala ako ni Nana Mila at alam nito kung paano sumama ang loob ko dahil tiyak na makakagawa ako ng mga desisyon na hindi ko rin madalas napag-iisipan ng mabuti. "Sa tingin ko kahit na anong gawin ko ay iba pa rin ang magiging tingin sa akin ng tao. Masama pa rin ang nakikita nila kaya siguro pati si Karen ay iyon rin ganoon rin. Mali siguro kung dito pa ak

