Chapter Forty -Karen- Nakatayo ako ngayon dito sa harap ng isang malaking pintuan ng simbahan inaantay kong magbukas ito, ngayon ang araw ng aming kasal ni Zandro. Wala naman akong iba pang hinihiling sa diyos kundi ang katahimikan ng aming buong pamilya. Ang sabi nila kapag natagpuan muna ang para sayo mararamdaman mo ito dahil makikilala ito ng puso mo. Malaki man ang naging takot ko dito dahil sa klase ng trabaho nito ay mas pinili ko paring mahalin ito ng buo na walang pag-aalinlangan. Isang beautiful in my eyes ang music habang unti-unting bumubukas ang pintuan ng simbahan, marami ang tao sa loob dahil kompleto ang mga mahal namin sa buhay. Nakita ko ang aking mag-aama na nasa harap ng altar naghihintay sa aking pagdating, naluluha ako dahil sa ramdam kong masaya ang lahat ng t

