Chapter Thirty-Five -Karen- Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi ni Zandro na halos isang taon akong tulog, kasi piling ko naman ay nakatulog lang ako ng mga limang oras eh. Napapailing na lang ako sa aking sarili ano ba ang nangyari at ganon kahaba ang tulog ko. Pilit kong inisip ang mga nangyari sakib at napagtanto ko kung ano talaga ang mga nangyari ng gabing yun. Ang alam ko nasa may pool area ako ng gabing yun para sana lumanghap ng sariwang hangin dahil ilang beses na akong nakakulong sa loob ng kuwarto ko. At nang makaramdam ulit ako ng pagod ay tatayo na sana ako ng may bigla na lamang tumulak sakin sa swimming pool at dahil hindi ako marunong lumangoy ay hindi ako nakaahon agad. Pero isang babae ang nakita kong nakatayo sa may dulo ng pool area at hindi

