Chapter Thirty -ZANDRO- Naaling pungatan ako ng may maramdaman akong nakayakap sakin, ramdam ko din ang sakit ng ulo ko ng mga sandalling yun. Unti-unti kong dinilat ang mata ko ng masilaw pa nga ako sa liwanag na nagmumula sa may bintana ng aking kuwarto, babangon na nga sana ako ng naramdaman ko ulit ang paggalaw ng katabi ko. Napalaki ang aking mata at kinusot pa ito ng mapagtanto ko kung sino ang katabi ko at nakayakap sakin ngayon, hindi ko magalaw ang kamay ko para hawakan ito dahil baka isa lamang ito pananginip na ayaw ko pang matapos. Nasa ilang minuto pa ako sa ganong puwesto ng magpasya akong hawakan ito sa kanyang mukha at haplusin ito ng dahan-dahan, napapangiti ako habang ginagawa ang ganito isa kasi ito sa mga pangarap ko ang makasama ito at mayakap hangga’t sumapit ang

