Chapter 42 -Karen- Hanggang ngayon ay hindi ko parin kinakausap si Zandro ang asawa ko dahil sa inilihim nito sa akin na si Zen Levy ang susunod na mafia lord ng kanilang pamilya. Nang malaman ko ang tungkol sa kanilang pamilya na halos lahat sila ay mafia na kinatatakutan ng maraming tao ay nakaramdam ako ng takot para sa aking mga anak at maging sa aking asawa. Pero pinaliwanag na nito ang mga gawain at kung anong klase silang mafia at kung gaano kalaki ang kanilang nasasakupan. Sinabi rin nitong hindi sila masamang mafia, at ang totoo ay sila pa daw ang tumutong sa mga pulis para hanapin ang mga drug lord at kung minsan pa daw ay malalaking tao ang nagbabayad sa kanila para lang bantayan ang kanilang pamilya. Ang totoo ay hindi naman ako galit siguro ay nagtatampo lang dahil nagawa n

