VALENTINA'S POV
RED lipstick? Pak!
Red dress? Check!
Red stiletto? Pak!
Crazy hair style? Pak! Check!
"Ano ba naman itong pinaggagawa mo sa akin, Antonn ka?! Ang sabi ko pagmukhain mo akong elegante hindi chipipay!"
Ini-spray sa akin ni Antonn ang isang pabango na hindi ko maintindihan ang amoy sa sobrang tapang ng scent niyon. Nandito kami sa aking kwarto at inaayusan niya ako. Makikipagkita na kasi ako kay Duxs Dakota. Pangalan na pangalan pa lang, alam mo nang malaki ang kargada! Duxs na, Dakota pa! Saan ka pa, di ba?
Nagkakilala kami ni Duxs sa f*******:. Wala lang, basata nagkakilala kami doon. Chat, chat. Pogi naman siya. Parang sa pagkakatanda ko, half-Brazilian siya at half-Pinoy. Tuwang-tuwa pa nga noon si Antonn, ang sabi niya si Duxs daw ay may laki ng Brazilian at tigas ng isang Pinoy. Bongga na daw iyon. Matutupad na daw ang pangarap ko na ang makakuha ng pagka-birhen ko ay isang lalaki na may malaking kargada! Siyempre naman, ilulugso mo na rin ang virginity mo dapat make it memorable. At balik na tayo kay Duxs...iyon nga after ng isang buwan namin na pagcha-chat ay nalaman ko na isa siyang freelance model at thirty-four years old na siya. Bagay na bagay ang edad namin, di ba? At meron din siyang condo! I will bring him foods some other time there. At hindi lang condo ang meron siya, may bahay din siya somewhere in Alabang!
Ibinalik na ni Antonn iyong pabango sa kikay bag nito. "Ano ka ba, Valentina? Iyan ang uso ngayon na fashion. Sexy and wild! Fierce! Rawr! Move like a tiger, Valentina!"
"Oo, at pag ako naging tiger, lalapain kita hanggang sa mamatay kang bakla ka! Naku! Kapag hindi talaga ako nagustuhan ni Duxs sa first date namin..." inaayos-ayos ko pa ang boobs ko dahil hindi pantay. Lumabas na ako ng kwarto ko matapos kong tingnan for the last time ang aking sarili sa salamin.
Nakasunod sa akin si Antonn. "Bato siya kapag hindi siya naakit sa iyo, Valentina! Ang ganda kaya ng damit mo ngayon. Saka, may baon ka ba diyang protection?"
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam ang sinasabi niyang protection. "Protection? Ano iyon?" sabi ko sabay upo sa sofa upang hintayin si Duxs.
"Protection! Condom!"
"Bakit kailangang ng condom? FYI, Antonn, hindi ako magpapaano sa kanya ngayong gabi! I am not that kind of girl who give up just like that. Kailangang magkakilala muna kami at dapat mahal ko na siya at mahal na rin niya ako bago ko ibigay sa kanya ang virginity ko!"
"Ganern? Teleserye lang? I thought, isusuko mo na kay Duxs Dakota ang Bataan."
"Hindi mo ako katulad, no! Hindi lang yata Bataan isinuko mo, kundi pati ang Batanes mula Jolo!"
Pinalo ako ni Antonn sa braso. "Grabe ka naman sa akin, Valentina!"
"Wag mo nga akong mapalo-palo! Mamaya magulo ang outfit ko, eh!" asik ko.
Sabay kaming napatayo ng biglang may mag-buzz sa pinto namin. Mauuna pa sana sa akin si Antonn sa pagbubukas ng pintuan nang marahas ko siyang hilahin sa buhok.
"Aray naman!" igik niya.
Pinandilatan ko siya. "Bakit? Ikaw ba ang may hinihintay na bisita? Uunahan mo pa ako sa pagbukas ng pinto!"
"Hmp! Damot!" bumalik na siya sa sofa ng upo.
Huminga ako nang malalim bago ko binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang isang six-footer na napakagwapong lalaki na kamukha ni Fabio Ide. Napakabango niya! Kung hindi ako nakahawak sa pinto ay baka natumba na ako dahil biglang nag-shaken ang aking mga legs. Napababa ang tingin ko sa ibaba...doon sa bukol ng sa pants niya! Ghaaad!!! Sa tingin ko pa lang ay masasabi ko na agad na he gave justice to his name na Duxs Dakota!
"Ikaw ba si Valentina Torres?"
At ang boses niya... Ang lalim na sobrang masculine!
"Ako nga... And you are Duxs Dakota?"
"Yes..." he smiled and offer his hand.
Nakipagkamay naman ako sa kamay niyang ibinabad yata sa Downy sa lambot. "Ah, come in! Come in!" anyaya ko sa kanya.
"Valentina..." tawag niya sa akin. "My hand..."
Doon ko lang na-realize na hawak ko pa rin pala ang kamay niya. Agad ko iyong binitiwan. "Oh, sorry! Come in..." Nauuna ako sa kanya papasok pero nakapaling pa rin ang mukha ko sa kanya. "Pasensiya ka na nga pala dito sa condo namin ng friend ko kasi sobrang---"
BLAGH!
Pakiramdam ko ay umikot ang paningin ko nang pagharap ko ay pader na pala ang sasalubong sa akin. Isang segundo na nagdilim ang paligid ko. Ipinilig ko ng ilang ulit ang aking ulo. Oo, naumpog ako sa pader dahil sa hindi ako tumitingin sa harapan. Head turner naman talaga si Duxs! Kainis! Nagkaroon pa yata ako ng bukol sa noo!
"Are you okey?" mabilis na lumapit sa akin si Duxs. Hindi pa man ako nagsasalita nang bigla niya akong buhatin at ihiga sa sofa. Umalis muna siyempre sa sofa si Antonn na kitang-kita ko na naglalaway na rin kay Duxs sa mga oras na iyon. Titig na titig ang loka sa lalaking nakatunghay sa akin ang napakagwapong mukha.
Pa-demure akong ngumiti. "Yes, okey lang ako, Duxs. Thank you..." pa-demure ko rin na sagot.
"Are you sure na okey ka lang?" ang kulit naman ng poging ito, sinabing okey lang ako, eh. "Pero may bukol ka!"
"Bukol? Wala akong bukol! Ikaw ang may bukol, ang laki pa nga, eh!" mabilis at bigla kong sabi dahil napadako bigla ang aking mga mata sa pagitan ng kanyang mga hita. Awtomatiko kong tinampal ang aking bibig. Hay! Bakit ba kung anu-ano ang nasasabi ko kapag kaharap ang bukol este ang lalaking ito?!
"Eto, oh..." sabay sapo niya sa noo ko.
Sinapo ko ang noo ko. Medyo may parang nakaumbok nga. "Antonn, pakikuha naman ng salamin," utos ko sa kanya pero nakatulala pa rin siya kay Duxs. "Antooooonnnnnn!!!" sinigawan ko na siya.
"Oo! Isusubo ko na!" bigla sabi ni Antonn na akala mo ay nagising mula sa isang mahabang panaginip.
"Ano ang isusubo mo na?" nagtatakang-tanong namin ni Duxs. Sabay pa kami.
"Ah, eh...wala. Bakit mo ba ako sinisigawan?" nakairap na sabi na lamang niya.
"Mirror, please!" utos ko. Iniabot na nga niya sa akin iyong bilog na salamin niya na kasinglaki ng pinggan. Oo nga, Duxs is right... May bukol ako sa aking noo. Pulang-pula iyon na akala mo ay namamagang pigsa na nakaumbok. Nagmukha tuloy akong dinosaur na may isang sungay sa noo!
Tinulungan ako ni Duxs na makaupo ng maayos. Oh, he's such a gentleman. Ngayon pa lang kami nagkita ng personal pero ang dami na agad niyang pinapakitang magagandang katangian sa akin. I love him na! Chos!
"Itutuloy pa ba natin ang date natin?" tanong ni Duxs.
"Bakit? Ayaw mo na bang ituloy dahil mukha akong rhinoceros?" Nakinig ko ang malakas na paghagalpak ng tawa ni Antonn sa sinabi ko. Tiningnan ko siya ng masama kaya agad din naman na tumigil.
"Hindi naman sa ayaw ko, Valentina, pero ikaw ang inaalala ko. Kaya mo ba?"
"Oo naman! Bukol lang ito, Duxs! Don't let this bukol spoil our first date," ako na ang nagkusang tumayo. "Lets go?"
Ngumiti si Duxs. "Okey. Tara na..." umangkla pa ako sa kanyang braso habang papalabas kami ng condo.
SUZUKI'S POV
"OH, i-deliver mo ito. Nandiyan na sa papel na nakaipit iyong address," utos sa akin ng supervisor namin. Two o'clock ng hapon hanggang ten o'clock ng gabi ang pasok ko ngayon.
Kinuha ko na iyong isang box ng pizza at inilagay iyon sa box na lalagyan ng mga idini-deliver. Twenty-four hours na bukas kasi ang pizza parlor na ito kaya twenty-four hours din ang delivery kahit pa madaling araw. "Sige po, ma'am!" sagot ko naman sa babaeng supervisor namin.
Inayos ko na iyong box sa likuran ng motor. Sumakay na ako sa motor, nagsuot ng helmet at pinaandar na iyon. Habang nagmo-motor ay binasa ko iyong address. Hmm...alam ko ito, ah. Condo unit ito na nasa kalapit lang ng squatter's area kung saan naman ako nakatira. Nadadaanan ko ito kapag umuuwi ako. Hindi na ako mahihirapan na hanapin ang address na ito.
Kaninang break time, pag-check ko ng cellphone ko ay may text message si Ulysses. Miss na daw nila ako. Palibhasa, wala silang nakukuhang libreng babae kapag hindi nila ako kasama. Iba na talaga kapag cute ka na, gwapo pa! Tapos, si Caloy naman, inaaya ako sa bagong bukas na bar na malapit daw sa squatter. Sabi ko, hindi ako pwede. Next time na lang kapag sumweldo na ako. Mahirap kasi na inaasa ko kay Lola Britney pati ang pang happy-happy ko. Baka wala na kaming kainin. He-he!
Nang matanaw ko na iyong Del Villa Condominium Building ay itinigil ko na muna ang pag mumuni-muni ko. Ipinarada ko iyong motor sa parking lot. Room 413 iyong room number na nakalagay sa papel kaya naman alam ko na agad na nasa fourth floor iyon. Matapos akong kapkapan ng security guard na naabutan kong nanonood ng scandal sa cellphone nito ay sumakay na ako ng elevator paakyat sa ikaapat na palapag ng condominium building na iyon.
Bumukas na ang pinto ng elevator at lumabas na ako. Nakita ko sa medyo may pinakadulo iyong Room 413. Nag-buzz ako. Tatlong beses akong nag-buzz hanggang sa pagbuksan ako ng isang matangkad na lalaki na medyo may kalakihan ang katawan.
"From Lopez Pizza Parlor, sir. Heto na po ang pina-deliver niyong pizza. Hot and on time! Paki-pirmahan na lang po ito, sir..." dire-diretsong sabi ko. Memorize ko na kaya iyan!
Matapos makapirma at maibigay ko iyong pizza ay iniaabot na niya sa akin iyong bayad. Binilang ko iyong pera. Sobra ng one thousand ang bayad niya.
"Ako si Antonn, ikaw? Anong pangalan mo?" tanong sa akin nung lalaki. Napansin ko na medyo malamya ang pagsasalita niya.
"Sir, sobra po bayad niyo."
"Sinadya ko iyan! Sosobrahan ko pa iyan kung papayag kang may iba tayong gawin..."
Hindi na ako inosente. Alam ko ang gustong gawin ng lalaking nasa harapan ko o mas tama siguro na sabihin ko na baklang nasa harapan ko. Ilang beses na bang may babae o baklang nag-aya sa akin na makipag-s*x? Hindi ko na mabilang! Pero lagi akong tumatanggi dahil natatakot ako na mapagtawanan oras na makit na nila ang aking kargadang itinatago.
Umiling ako. "Ayoko po, sir!"
"Sayang naman! Ang pogi mo pa naman. Sige na..." udyok pa niya sa akin.
"Hindi po kasi kasama iyan sa trabaho ko. Sorry po talaga," sabi ko na lamang.
Ngumiti siya sa akin. "Alam mo, i like you na! Hindi ka lang pogi, pero ver professional ka pa. And because of that, sa iyo na ang one thousand na iyan! Tip ko. Walang kapalit. Promise!"
"Ho?!" gulat na sabi ko. "Sigrado po kayo?"
"Oo naman! Iyo na iyang one thousand. Ako nga pala si Antonn."
"Suzuki naman po ang pangalan ko," at nagkamay kaming dalawa.
VALENTINA'S POV
MAMAHALIN at elegante ang hotel and restaurant na pinagdalhan sa akin ni Duxs that night. It only means na he has money para ma-afford niya ang mga kakainin namin doon mamaya. At ang kotse niya, mind you...hindi ko alam ang tawag pero mukhang mamahalin.
Pumasok na kami at umupo na. Very romantic ang ambience ng restaurant at sosyalin.
"Duxs, hindi yata ako nababagay sa lugar na ito..." pa-virgin effect na bulong ko sa kanya.
"Don't say that, Valentina. You are beautiful and equally elegant!"
Ghaaad!!! Kung makapuri naman si Duxs sa akin, grabe, ha! Mamaya maniwala na ako niyan. O sige na nga, naniniwala na ako. Beautiful and elegant. Ngayon lang may nagsabi sa akin ng ganyan. Ipost na iyan sa f*******:!
Nag-order na kami ng steak at mixed vegetables. Champagne na rin, siyempre.
Ayun, usap-usap muna kami about our selves, hanggang sa mas personal pang bagay gaya ng kailan ka unang nabungi. Tinanong ko naman siya kung kailan siya tinulian. Grade six daw siya at sa doctor. German cut daw. Wala akong ideya sa hitsura ng isang chenes na German cut pero kinilig ako.
"Duxs, a-ano nga pala ang size ng sapatos mo?" Maya-maya ay tanong ko sa kanya.
Ang sabi kasi sa ain ni Antonn ay malalaman ko kung malaki ang kargada ng isang lalaki sa size ng paa nito. Kapag ten inches pababa ang size ng sapatos may possibility na maliit daw. Pero kapag ten and above, malaki ang chance na malaki din daw ang chenes!
"Thirteen inches. Bakit?"
Bigla akong pinagpawisan sa sagot ni Duxs sa akin. Hanlaki nga! Duxs Dakota iyan, eh.
"Ah, wala naman. Naitanong ko lang..." at pa-demure na naman akong ngumiti.
"Oo nga pala, Valentina, after this meal ay pwede bang umakyat na tayo sa room na pina-reserve ko para sa ating dalawa."
Lumabas sa ilong ang iniinom kong champagne sa sinabing iyon ni Duxs dahil sa sobrang gulat ko. "R-room?!" gulat na sabi ko.
"Yes, room... Private room," nakangisi niyang sabi.
Diyos ko! Ngayong gabi na ba? Agad-agad?!
Goodbye virinity na ba ang drama ko?