VALENTINA'S POV NAPASANDAL ako sa sandalan ng sofa nang hindi ko na kayanin ang pananakit ng aking likod. Kanina pa kasi ako nagta-type sa laptop ng manuscript na sinusulat ko. "Antonn! Bakla!!!" tawag ko. Ang alam ko ay naglalaba siya sa may banyo. Sabado kasi ngayon kaya hindi kami obligado na magpakita sa Precious Life office. "Ano ba, naglalaba ako!" sigaw sa akin ni Antonn. Tinawag ko ulit siya. "Bakla, masakit ang likod ko! Paki-massage naman!" Marahan kong hinilot-hilot iyong likod ko. "Gagawin mo pa akong masseur?! Mahadera! Bumili ka na lang ng Salonpas! Or better yet, i-massage mo sarili mo!" "Sige, bibili ako ng Salonpas at isasaksak ko sa puwet mo nang hindi mo na `yan magamit! Ang sakit-sakit talaga ng likod ko, eh!" Grabe naman kasi. Pagkauwi ko kaninang five o'clock ng

