SUZUKI'S POV MALAYO pa lang ako habang sakay ng ginagamit kong motorsiklo sa pagdedeliver ay kitang-kita ko na ang pagtakip ng isang lalaki kay Valentina ng isang panyo. Tila nawalan ng malay si Valentina at binuhat ito ng lalaki papasok sa kotse nito. Biglang lumakas ang pagkabog ng aking dibdib. May kumikidnap kay Valentina! Kaya imbes na dalhin ang idedeliver kong pizza sa Precious Life Building ay sinundan ko iyong kotse. Kailangan kong iligtas si Valentina dahil malakas ng aking kutob na nasa panganib siya ngayon. Halos kalahating oras ko ding sinundan iyong kotse. Mabuti na lamang at full tank ang gamit kong motor. Hanggang sa huminto iyong kotse sa isang malaking bahay. Mas pinili kong `wag lumapit muna dahil baka may iba pang kasama iyong lalaki at baka pati ako ay mapahamak. In

