Ika-dalawampung Sulyap "What-the-hell?!" sabay na sabay pa nilang sabi. Even the timing were the same. Isang timing lang talaga ang mali. Yung makita nila kami sa ganitong ayos na magkahawak pa ng kamay habang nasa tapat kami ng pinto at feeling ko naiistorbo ko na yung mga taong dumadaan at nakikiusiyoso sa'min. "Kailan pa?!" mariin akong napapikit saka ko hinila silang dalawa palabas. Nakasunod naman sa'kin si Nico. "Kahapon lang—" "Kaya pala tinawanan kami ng Mr. Suave na 'yan nang sabihin kong magi-itim or violet siya! Oh my god!" iiling-iling ako. Nagsimula na kaming pumunta sa room dahil na rin sa tumunog na yung bell. Pero hindi ako nabigo sa pangkukuyog nilang dalawa sa'kin. Kahit nga nagsisimula na yung klase at natapos na. paulit-ulit sila. Sabi pa nila nagtatampo sila dahil

