Ika-walong Sulyap "Hey Erick!" Ngumiti ako sa kanya. Kasalukuyan siyang minamasahe ng isa niyang mayabang na kaibigan. He looks surprised. Kaya lang naman ako nagbigay ng genuine na ngiti ngayon kasi gusto kong ma-distract siya. I mean he's still into me. Bakit hindi ko gamitin 'yon para matalo siya? "You want to fight my boyfriend?" tanong ko sa kanya. Inilipat ko pa yung tingin ko kay Nico na seryoso lang na nakatayo at akala mo walang awayan na magaganap. Galing din! Talagang dito pa sa loob ng pamamahay namin nila gagawin 'to ah? Nandito pa si tatay. At siguradong kapag nakita niya o nalaman niya 'to. Grounded kami parehas ni Kuya. At ayokong mangyari 'yon. Dahil hindi ako makapaga-aral kung sa library niya kami patutulugin ni Kuya. I mean, for me it's a good thing na sa library ako

