Ika-tatlongpu't Siyam na Sulyap "It's for my broken heart Summer. Now, this is my revenge." Hinila ko na siya palabas ng bahay. Kung hindi pa siya titigil, mangyayari na talaga yung World War III na kinatatakutan ko! I dragged him forcefully pero nanatili lang siyang nakangisi sa'kin. Oh geez! This is annoying! Hindi niya ba talaga kilala si Kuya at ang lakas ng loob niyang gawin 'yon?! "What are you even thinking?!" ngayon naman nakangiti siya na parang tanga. Gustung-gusto niya ba talaga yung ginagawa niya? Hindi niya ba tatantanan na pahirapan ako? Great! Dahil ngitian niya pa lang ako hirap na kong kumilos. Hirap na kong mag-isip at mas hirap na kong tumingin sa kanya. Tapos tititigan ka pa niya ng ganito. Muntik na kong malusaw ilang beses na. Baka kapag naulit pa 'to. Tuluyan nang

