Ika-apatnapu't Isang Sulyap "Hoy!" Tamad na tamad akong tumingin sa kanya. Halos napipikit na rin yung mata ko at gusto ko nang matulog pero wala pa rin siyang ginagawa kundi ang magkwento ng kung anong nakakainis na bagay sa'kin. Halos ikwento niya na pati paggagawa nila noon ng baby ni Kuya Cabi. Kundi lang ako naglagay ng earphone sa tainga kanina itutuloy niya pa 'yon. Eto kasing si Paulo na hashtag dakilang tsimosa, ayon. Naikwento na pala rito kay Jennifer yung nakita niya sa office. Sino ba naman kasing matinong kaibigan ang gagawa non? Sabagay, kailan ba sila naging matino pagdating sa mga chika sa'kin? Never pa yata. Kapag nakita ko talaga siya. Uubusin ko lahat ng buhok niya malaman niya lang kung anong ginawa niya sa'kin. Baka mamaya maikwento pa ni Jennifer kay Kuya Cabi 'yo

