Ika-dalawampu't Pitong Sulyap Nakakainis! Philippine traffic is unbelievable. Kanina pa kami hindi umuusad. Sinabi ko naman kasing sa tricycle na lang ako pero makulit 'tong bago naming driver. Ewan ko ba kung bakit siya yung kinuha ni Kuya Cabi. Si Mang Gilbert kasi matagal nang nag-resign. After Tatay died kinailangan niya nang mag-resign at maghanap ng ibang trabaho. We agreed with him because he needed to find another job to provide for his family. Hindi pa kasi kami nakababangon noon mula sa malaking pagkakautang ng kompanya. I was crying that time dahil parang tatay na rin yung turing ko sa kanya. Para akong pinatay din non dahil dalawang tao na tatay ko yung nawala sa'kin. Hindi ko maisip kung gaano ako kawasak nung mga panahon na 'yon. Si Kuya Cabi lang at sila Jennifer yung na

