“Hmm. . . ” anas ko dahil damang–dama ko ang init ng labi ni Alas. Pakiramdam ko’y nanunuot ito sa aking balat.
“Kiss me back, Jen,” halos pabulong na aniya. At hindi ko naman alam kung tutugunin ko ito. Ngunit matiim niya ‘kong tiningnan, kaya naman napalunok ak0. “I said, kiss me back, hindi ‘yong nakatitig ka lang sa ‘kin,” inis niya. Kahit kailan talaga ay hindi niya alam magsalita ng mahinahon. “Ano! Just kiss me back!” pag–uulit niya.
“Hindi kasi ako marunong humalik, Sir. Saka may muta ka, kaya nakatitig ako sa ‘yo. Parang ‘yong sa kanta na masdan mo’t makikita ang ‘yong mga muta,” wika ko’t agad kong pinunasan ang mata niya, dahilan upang magsalubong ang kilay niya.
“Muta, tsk! Dami mong alam. Pati kanta’y ginawa mong katatawahan. At humalik lang ay hindi mo alam, pero ang bata mong nag–asawa. Kaya anong sinasabi mong ‘di mo alam, ha? At hinalikan mo pa nga ako noon, ‘di ba?” pagpapa–alala niya.
Lumunok na naman ako. Tumingin ako sa labi niya, at gagawin ko na nga utos niya para matapos na ito kahit kabad0ng–kabado ako.
“Ang tagal!” naiinip pa na sabi niya.
“Ito na, Sir,” kinakabahan na saad ko na inilapit ang labi ko sa mapula–pula niyang labi.
“Ano, aamuyin mo lang ba, ha? Nag–toothbrush ako, para malaman mo,” gagad na naman niya.
“Hi–Hindi ko naman inaamoy, Sir,” lunok ko. Pero infairness na mabango ang hininga niya.
“Then ano pa hinihintay mo, ha? Kiss my lips now,” maawtoridad na wika niya, kaya sa takot ko’y hinalikan ko na ang labi niya.
Subalit nanlaki ang dalawang mata ko dahil tinugon niya ang halik ko.
Kaya wala na ‘kong nagawa pa kundi magpakatianod na lang, at namnamin ang halik niya. Ngunit naramdaman kong humaplos na ang kamay niya sa katawan ko.
Gusto kong magprotesta, ngunit ayaw namang gumalaw ng kamay ko.
Bumaba ang labi niya sa leeg ko dahilan upang makiliti ako, kasabay ng paghaplos niya sa bundok ko.
“Ohh,” hindi mapigilang ungol ko.
Subalit naramdaman kong malapit na ang kamay niya sa chupipay ko, kaya naman tumayo ako’t itinulak ko siya ng malakas dahilan upang matumba ang wheelchair niya.
“What the shít!” sigaw niya sa akin.
“So–Sorry, Sir. Ikaw kasi, eh. Kung ano–anong pinaghahawak mo, kaya naitulak kita,” depensa ko.
“Para kang bago lagi, Ms. Ortega. Ilang beses ko ng nahawakan ang mga ‘yan noon, kaya ‘wag kang nag–iinarte,” segunda niya.
“Noon ‘yon, Sir,” tugon ko, kaya naman masama siyang tumingin sa akin. Humugot na lang ako ng hininga’t ipinaupo ko na siya ng maayos. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya, dahil pa’no ba naman, para niya ‘kong hinuhubaran. “Ilang taon kang nag–asawa?” seryosong tanong pa niya.
“Ki–Kinse,” nahihiyang sagot ko.
“Kinse? At that age ay may karanasan ka na, tapos kung kumilos ka’y akala mo kung ang hinhin–hinhin mo,” sarkastiko na aniya sa akin.
“Hi–Hindi naman ako mahinhin, Sir. Wala lang talaga akong alam masyado sa s*x dahil once a month lang kung may mangyari sa amin ng patay kong asawa. Napipilitan lang kasi ako dahil ipinagkasundo lang siya sa akin, kaya nabuo anak namin kahit walang love dahil iyon ang kagustuhan ng aming magulang,” walang prenong pahayag ko para hindi na siya magtanong pa.
“At ba’t namatáy? Anong dahilan?” muling tanong niya.
“Nakalimutan niyang huminga, Sir,” wala sa sariling sagot ko dahilan upang panliitan niya ako ng mata. “Jo–Joke lang ‘yon. Nahulog siya sa building dahil hindi siya nakakapit. Hindi na siya nadala ng kasama niya dahil pukol ang paa, kaya roon na namatáy sa construction site ang asawa ko,” pagkukuwento ko.
“Ako ba’y pinagloloko mo? Anong sinasabi mong pukol ang paa? Talagang hindi ‘yon makapaglalakad dahil pukol. At hindi tumatanggap ang kompanya ng taong may kapansanan tulad ng sinasabi mo dahil sagot ‘yon ng engineer kung may nangyari sa empleyado,” gagad niya.
“Malay ko, Sir. At wala naman kayo roon no'ng nangyari ’yon, kaya ‘wag ka ng magalit. Saka mas affected ka pa kaysa akin noon, samantalang hindi ako umiyak,” segunda ko.
“Ibig sabihin niyon ay hindi mo siya mahal dahil hindi ka umiyak,” komento niya.
“Sa hindi naman talaga dahil magulang namin ang may gustong maikasal kami. Tinanggap ko na lang na hanggang doon lang talaga ang buhay niya,” wika ko.
“Hindi ka na ba ulit nagmahal ng lalaki?” hindi ko inaasahang tanong niya.
Sumeryoso na ang mukha niya, kaya sumeryoso na rin ako.
“Hindi na, Sir. At nag–focus na lang ako sa anak ko dahil babae pa namanaa,” imporma ko.
“Tsk! Hindi nga, pero sumama ka naman sa akin that night, kasi nga need mo ng money,” mabilis na aniya. “Ako na nagtapos para hindi ka na mahirapan pang mag–explain dahil alam kong iyan na naman ang sasabihin mo’t wala nang bago,” buntong–hininga niya.
Tipid akong ngumiti sa kanya dahil anong sasabihin ko? Umupo na ‘ko sa harapan niya’t minasahe ko na ang binti niya.
“Gagaling ka agad, Sir dahil tingnan mo. After one week na session natin ay puwede ka ng magsaklay, tapos makapaglalakad ka na’t magagawa mo na ulit ang gusto mo,” wika ko.
Subalit nakatingin lang siya sa akin. Kaya hindi ko maiwasang hindi mailang.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina, Ms. Ortega. Magkano in–offer ni mama sa ‘yo para alagaan mo ‘ko?” matigás na sambit niya.
“Um, thirty thousand, Sir,” diretsong sagot ko.
“Thirty thousand? Then tatapatan ko ‘yon. I will pay you forty thousand, and all you have to do ay paligayahin mo 'ko gabi–gabi sa kama hanggang tígasan ako,” maawtoridad na saad niya dahilan upang mapalun0k ako.