Kabanata 34: "Tanner!" Napalingon si Terron sa lalaking tumawag sa bata, pamilyar sa kanya ang lalaking may tattoo hindi nga lang niya matandaan kung saan at kailan. Lumuhod ito upang buhatin ang batang yumakap sa kanyang hita, pero ayaw bumitaw kaya siya na mismo ang yumuko upang kargahin ito. Tanner? His name sounds familiar. Nagtama ang mata nila ng lalaking may tattoo, parang hindi ito nagulat na nandoon siya, na para bang alam nito na mangyayari iyon, na inaasahan na nito na makikita siya sa lugar na iyon. Hinimas niya kaagad ang likod ng bata nang ipalupot nito ang braso sa kanyang leeg at sa balikat, doon ito umiyak animong natatakot na pakawalan siya. "D-Daddy! B-Bakit ngayon ka lang po? G-Gabi-gabi kaming nagpa-pray ni Mommy na bumalik ka, I-I waited for you, D-Daddy!" iyak

