Kabanata 32: MASAMA ang timpla ng mukha ni Terron habang nasa kanyang opisina sa site. He waited for that chubby cheek woman last night, he waited for almost five hours, he waited until midnight. Nagsara na lang lahat ng restaurant malapit sa tabing dagat na sinabi ng babae na pagkikitaan nila pero hindi ito dumating, hindi siya sinipot. Ba't naman kasi umasa siyang sisipot ang babae? Paasa porket maganda. Hintay siya nang hintay kagabi, todo porma pa niya at may padala pa ng bulaklak tapos nasayang lang. "E-Engineer, lunch break na po. Uh, o-order ko ho ba kayo?" rinig niyang sabi ni Tony, kanina niya pa alam na balik ito nang balik at nahihiyang magtanong. Nag-angat siya ng tingin, naabutan niya itong nakadungaw sa bahagyang nakabukas na pintuan ng opisina. Isinara ni Terron ang l

