Angelo’s Point of View Buong biyahe naman siyang nakaidlip sa kanyang upuan. Nang makarating kami sa parking lot ay ginising ko siya. Dahan-dahan naman niyang minulat ang kanyang mga mata. “Magnus, narito na tayo,” ang anunsyo ko naman sa kanya. Napatingin naman siya sa labas bago tumingin sa akin. Huminto na rin naman ang ulan. Magkasunod naman kaming bumaba ng sasakyan niya at pumasok ng gusali. Tahimik pa rin si Magnus, himala! Dumeretso naman kami sa elevator. Muli akong napamasid sa labas. Kahit papaano ay nasasanay na rin ako at hindi na masyadong nalulula. “Anyway, nahanap mo ba ang bracelet mo?” ang pagbasag niya sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa. “Oo,” ang pagkumpirma ko naman sabay pakita sa kanya ng bracelet ko habang nakangiti. Hinawakan naman niya ang pulso ko a

