Chapter Ten: Red and Blue

1747 Words
Angelo’s Point of View   Nanlaki ang aking mga mata nang hawiin niya ang kurtina. Napamangha ako sa aking nakita. “Huwag ka lang tumayo diyan,” ang komento naman ni Lander. “Halika.” Napatango naman at kaagad sumunod. Mas namangha ako nang nasa loob na ako ng silid na ‘yun. May mga salamin na nakahilera sa gitna “Dito ginugupitan at inaayusan ng mga buhok ang mga kliyente. Sa kabila naman ang make-up station. Medyo pareho lang naman ang set-up.” Tumango naman ako sa aking naririnig. Sa totoo lang ay medyo na-o-overwhelm ako sa aking mga nakikita. Hindi ko talaga sigurado kung tama nga ang pinapasok ko. “Lander,” ang pagtawag ko naman sa kanyang pangalan. “Sigurado ka ba sa ideya mong ‘to?” “O, bakit naman ganyan ang reaksyon mo?” ang tanong naman niya pabalik. “Wala akong kaide-ideya sa ganito,” ang paliwanag ko naman. “Hay, naku,” ang komento naman niya. “Baklang ito. Tulad nga ng sinabi ko sa’yo kahapon, matututunan ang lahat ng ito at ako mismo ang magtuturo sa’yo. Isa pa, walang baklang sumusuko agad!” “Meron, ako,” ang tugon ko naman na ikinatawa niya. Hindi naman ako nagbibiro ngunit mukhang isang biro nga ‘yun para kay Lander. “Ipapakilala nga pala sa staff ko.” Pumalakpak naman siya para kunin ang atensyon ng mga nagtratrabaho sa studio. Hindi naman siya nabigo. Lahat nga ay natigilan at napatingin sa kanya. “Mga ateng!” ang pagtawag niya. “May ipapakilala ako sa inyo.” Lumapit naman sila. Nakatuon ang kanilang mga mata sa akin. “Heto nga pala si Angelo.” “Sa gabi?” ang tanong naman ng isang lalaking kulay asul at kulot ang buhok. Napatingin naman ako kay Lander. “Anong sa gabi?” ang pabulong kong tanong. “Pangalang pambabae,” ang paliwanag naman niya. “Alam mo na.” Napatango naman ako nang mapagtanto ang tinutukoy niya. “Bakla, wala siyang ganun.” “Eh, paano kung Angel? O Angela?” ang sunod-sunod namang suhestyon ng parahong tao. “Pak, di ba? Mukha namang mabait si bakla.” “Bakla, mabait talaga itong si Angelo,” ang pagsang-ayon naman ni Lander. “Sa sobrang bait. Pwede nang maging Santa.” “Oh, ibig sabihin, magaling mag-prayer service si bakla,” ang sunod namang sinabi ng lalakeng may asul na buhok. Tumawa naman sila pero hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. “Anong nakakatawa sa pagdadasal?” ang tanong ko naman na nagpatigil sa kanilang pagtawa. Napatingin naman sila sa isa’t-isa at mas lalong lumakas ang kanilang pagtawa. “Masyado ka ngang inosente,” ang mulinng komento ng lalake. Napatingin naman ako kay Lander. Inilapit naman niya ang kanyang bibig sa aking tenga at bumulong. “Prayer service…hindi ‘yun literal na pagdadasal, Angelo,” ang pagtatama naman niya. “Eh, ano?” ang pabulong ko namang tanong sa kanya. “Yun ‘yung mga panahon na luluhuran mo ‘yung lalake para—” “Lander, tama na!” ang pagpigil ko sa mga susunod niyang sasabihin. Susme. Napangiwi naman ako bilang reaksyon. “Gets ko na.” Napakamot naman ako ng ulo. “Anyway, ito nga pala si Sean, ang Senior Makeup Artist natin dito sa studio,” ang pagpapakilala ni Lander sa lalakeng kulay asul ang buhok. Medyo maliit siya. Ang ibig kong sabihin, hindi siya katangkaran pero hindi rin naman pandak; katamtaman lang. Medyo singkit ang kanyang mga mata. Sa unang tingin ay aakalain mong may lahing intsik. “At ito naman si David, siya naman ang Senior Hairstylist natin.”airstylitH Pinakilala naman niya ang isang lalaking may pulang buhok. Medyo may hawig sila nung Sean. Hula ko ay magkapatid sila. Ngunit di tulad ng isa ay tinignan niya lang naman ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay sumangot. “Attitude ka, besh?” ang tanong ko sa kanya sa aking isipan. Nginitian ko naman siya ngunit wala akong natanggap na magandang reaksyon. Iniwas naman niya nag kanyang tingin at tinignan ang kanyang mga kuko. Mahina naman akong napabuntong-hininga. “Silang dalawa ang tutulong sa akin sa pagtuturo sa’yo,” ang paliwanag naman ni Lander. “Ha? Ana bet,” ang bayolente namang reaksyon ni David. “Bakit ako? Hindi ba pwedeng si Sean lang?” “Hoy, baklitang ‘to,” ang komento naman ni Lander. “Na-RiRita Gomez ako sa’yo, ah. (Naiirita ako sa’yo.) Nakakalurkey ‘yang pagiging echoserang froglet mo, ah. Parte ‘yan ng trabaho mo. Hindi kita bigyan ng ayuda diyan, eh. Mahaderang ‘to.” “Oo na,” ang pagpayag naman ni David sabay ikot ng kanyang mga mata bilang pagpapakita ng pagdisgusto sa akin. Ano bang problema sa akin ng isang ito? “Mabuti naman,” ang komento ni Lander. Itinuon naman niya ang kanyang tingin sa akin. “Handa ka na ba? Subukan mo lang ngayong araw tapos bibigyan kita ng oras para pag-isipan kung gusto mo pang magpatuloy.” “Sige,” ang nakangiti ko namang tugon. “Sean and team, kayo na muna ang bahala rito kay Angelo,” ang bilin naman ni Lander. “Pupunta na ako sa kliyente natin. David and team, kayo ang sasama sa akin. Maghanda na kayo,” ang utos naman ni Lander sabay palakpak. Nagsimula naman silang gumalaw. Lumapit naman sa akin si Sean at hinawakan ang aking braso. “Gorabells,” ang yaya ni Sean sabay hila sa akin patungo sa kabilang silid. Natigilan naman ako. Halos kamukha ng kabilang silid ang panibagong silid na pinuntahan namin. May mga vanity tables at mga salaming may mga ilaw na nakahilera sa silid na ito. Napanganga naman ako. “Welcome sa aking kaharian. Dito ako ang reyna.” Muli naman niya akong hinila at pinaupo sa tapat ng isang vanity table. “Pagpasenyahan mo na ‘yung si David,” ang komento naman niya. “Ma-aattitude talaga ‘yun.” “Magkaano-ano kayo?” ang tanong ko. “Medyo may hawig kasi kayong dalawa.” “Ah, kakambal ko ‘yun,” ang tugon naman ni Sean. “Pero siyempre ako ang mas maganda, mas sexy, at mas makinis. Alam mo na.” ‘Pero wala namang boylet,” ang singit naman ni David pagpasok sa silid. Kapwa kami natigilan at napatingin sa kanya. “Hindi ako katulad mo na kailangan ng lalake sa buhay, Ate Vi,” ang komento naman pabalik ni Sean. “Palibhasa, palagi kang Ella Mae Saeson” “Hindi ko na kasalanan na mas gusto ako ng mga boylet kaysa sa’yo,” ang argyumento naman ni David sabay kuha ng ilang makeup na nakapatong sa kabilang vanity table. Hindi naman na nakipag-aryumento si Sean. “David! Ano ba? Nasaan ka na?!” ang sigaw ni Lander sa kabilang silid. Nagmadali namang lumabas si David. Nagkatinginan naman kami ni Sean. “Palagi ba kayong nag-aaway?” ang tanong ko naman. Tumango naman siya. “Ah, ano ng apala ‘yung ibig mong sabihin nang sinabihan mo si David na palagi siyang Ella Mae Saeson?” Bigla naman siyang natawa sa tanong kong ‘yun. “Malibog, besh,” ang paliwanag naman niya. “Sa tingin ko, kung tatagal ka rito; kailangan mo ring matuto ng beki language. Tago ka, no?” “Dati,” ang tugo ko naman. “Lalo na sa pamilya ko rati pero binulag ako ng pagmamahal. Nagka-boyfriend ako kaya kahit na ayaw nila; sumama pa rin ako. Pero ang ending, ginamit niya lang ako at linoko. Isa rin ‘yun sa mga rason kung bakit ako narito.” “I feel you, besh,” ang tugon naman niya. “Kaya nga takot din akong mahulog.” “Nangyari na rin ba sa’yo ang nangyari sa akin?” Napailing naman siya. “Hindi uso sa atin ang tunay na pagmamahal, Angelo. Mas kumplikado ang sa atin kesa sa pagmamahal ng isang lalake at ng isang babae. Mas maraming hadlang, mas maraming problema. Na-inlove na rin ako minsan. Nahulog ako sa isang taong kahit kailan ay hinding-hindi ako mamahalin pabalik.” “Bakit naman?” “Straight siya,” ang tugon naman ni Sean. Tapos naging bestfriend ko pa.” “Umamin ka na ba sa kanya?” ang tanong ko naman ulit. “Para saan pa?” ang tanong naman niya pabalik. “Alam kong kakikilala lang natin, pero pwede ba kitang bigyan ng isang payo?” ang paalam ko naman. Tumango naman siya. “Sa tingin ko, hindi ka naman talaga takot magmahal,” ang una kong komento. “Natatakot ka lang ma-reject ng taong mahal mo. At higit sa lahat ay natatakot kang mawala siya sa buhay mo kapag nalaman niya ang tunay mong katauhan. Pero… hanggang kailan ka iiwas? Hanggang kailan mo itatago ‘yang nararamdaman mo sa kanya? Sa tingin ko, kailangan mong sabihin lahat ng nararamdaman mo sa kanya. Para saan? For closure.” “Mas madaling sinasabi kaysa ginagawa,” ang komento naman niya saby pilit na ngiti. “Alam ko,” ang pagsang-ayon ko naman. “Hindi ko naman sinasabi na agad-agad. Take time. Sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo kapag handa ka na. At the end of the day, it’s you’ll be free from such burden.” “In fairness, English! Nakakasosyal,” ang komento naman niya na nagpatawa sa akin.  “Salamat sa payo.” “Walang anuman,” ang tugon ko naman. “Osiya, magsimula na nga tayo bago pa tayo mag-iyakan,” ang anunsyo naman niya. “May experience ka na bang maglagay ng makeup sa sarili mo o sa ibang tao?” “Wala pa,” ang tugon ko naman sabay iling. “Sarili ko nga, hindi ko maayusan; ibang tao pa kaya.” “Sa bagay may point,” ang komento naman niya sabay tingin sa akin. Napakunot naman ako ng noo. “Joke! Matututunan mor in ang proseso. Sa ngayon, ipapaliwanag ko ang mga ginagamit natin sa make-up. Magsimula tayo sa products.” Hinila naman niya ang isa sa mga aparador ng vanity table at may kinuhang parang lalagyan. Binuksan naman niya ‘yun at nanlaki ang mga mata sa aking mga nakita. “Yung iba rito, sigurado kong pamilyar ka na,” ang sabi niya habang sinusuri ko ang mga bagay na nasa aking harapan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD