Chapter Thirteen: Matcha Latte For Ever!

1765 Words
Angelo’s Point of View   “Mabuti naman kung ganun,” ang masaya namang tugon ni Lander. “So, napagdesisyunan mo na ba kung itutuloy mo pa?” Tumango naman ako bilang tugon. “Itutuloy ko. Salamat kay Sean at lumakas ang loob ko.” “Welcome sa family,” ang sabi niya. Nagpasalamat naman ako. Nagpaalam naman ako na aalis na ako. Medyo napagod ang aking isipan sa mga pinag-aralan ko ngayong unang araw ko sa studio ni Lander. Pasakay na ako ng aking kotse nang tumunog ang aking smart phone. Kinuha ko naman ‘yun mula sa aking bulsa at tinignan ang screen. Si Shine ang tumatawag. Sinagot ko naman ‘yun. “Hello,” ang pagbati ko. “Shine, napatawag ka?” “Nangangamusta lang,” ang paliwanag naman niya. “Ang tagal mong hindi nagpaparamdam. Kamusta na ang iyong pusong sawi?” “Uhm, ayun, sawi pa rin,” ang pagkumpirama ko naman. “Busy ka ba?” ang tanong naman niya sa kabilang linya. “Hindi naman. Bakit?” “Makipagkita ka naman sa amin. Now na,” ang tugon naman niya. “Pa-out na rin naman kami; magkita tayo sa mall.” “Sige,” ang pagpayag ko naman. Natapos ang aming pag-uusap. Sumakay ako ng kotse at nagmaneho patungong mall. Hinintay ko naman sila sa food court, as usual. Hindi naman nagtagay ay dumating si Shine at Kathleen. “Angelo!” ang maligalig na pagtawag ni Shine sa akin. “Na-miss kita!” “Ako rin,” ang tugon ko naman. “Tara sa paborito nating coffee shop,” ang yaya naman ni Kathleen. Napangiti naman ako at tumango. Naglakad naman kami patungo sa coffee shop na tinutukoy ni Kathleen. Nasa veranda pa yun sa third floor. Natigilan naman kami nang madaan sa atrium. “Bakit ang daming tao?” ang tanong naman ni Shine. Napakibit-balikat namana ko dahil wala rin akong ideya kung anong nagaganap. “Gusto niyong tignan?” ang tanong ko naman. “Well, narito na rin naman na tayo, tara,” ang tugon naman ni Kathleen. Nakipagsiksikan nga kami sa mga taong nakaabang sa kung ano mang event na magaganap. Napatingin naman ako sa naka-set up na stage. May mini-fashion show pala ang bagong bukas na store sa mall. “Isang fashion show lang pala.” “Mamaya na tayo umalis. Gusto kong makita ang mga damit na binebenta ng brand na ‘yan,” ang paki-usap naman ni Shine. “Asus, ang sabihin mo, gusto mo lang makita ang mga model na kasali,” ang komento naman ni Kathleen na ikinatawa ko. “Isang rason na rin ‘yan,” ang pagkumpirma naman ni Shine. “Sana makita natin si Magnus.” “Nangangarap ka na naman, Shine,” ang komento ko. “Sikat ‘yun. Hindi siguro basta-basta sasali ‘yun sa isang maliit na fashion show.” “Ikaw talaga, kahit kailan napaka-pessismistic mo,” ang reaksyon naman niya sabay. Hindi naman nagtagal ay nagsimula ang event. Magaganda naman ang mga damit na kanilang pinakita. Nag-ingay halos lahat ng tao nang may pamilyar na mukhang lumabas sa runway. Ang mukhang palagi kong nakikita sa mesa ni Shine sa opisina; si Magnus. Napanganga ako nang makita siya ng personal. Iba nga ang dating niya; may kakaiba siyang aura na hindi maipakita sa magazine lang. Hindi maitatanggi ang kagandahang lalaki ni Magnus. Kahit sino naman siguro ay mamamangha kapag nakita siya. Hindi lang siya kagwapuhan; maganda rin ang kanyang tindig at pangangatawan. Kapansin-pansin din ang kanyang tangkad. Kaa hindi na ako nagtataka kung bakit siya naging isang modelo.   “Masaya ka na ba?” ang tanong naman ni Kathleen kay Shine patungkol sa hindi inaasahang pagpapakita ni Magnus sa fashion show. Pagkatapos naman ng maikling event na ‘yun ay dumeretso nga kami sa coffee shop na madalas naming pinupuntahan noong nagtratrabaho pa ako sa kumpanya. “Kamusta ka na nga pala, Angelo?” ang tanong naman ni Kathleen sa akin nang makaupo kami. “Hindi ko alam,” ang tugon ko naman. “Sinusubukang mag-move on; wala naman akong ibang choice.” “Dapat lang, ‘no? Ang mga taong katulad ni Nick, hindi na dapat pinag-aaksayahan ng panahon,” ang komento naman ni Shine. Tumango naman si Kathleen bilang pagsang-ayon. “Matcha latte for… Ever?!” ang pagtawag naman ng barista. Ever… ito ang madalas kong linalagay bilang pangalan sa aking inumin. Nakakatuwa kasing pakinggan kapag nagtawag na ang barista. Nagpaalam naman ako sa kanila bago tumayo para kunin ang in-order ko. Nagtungo ako sa bar counter at nakita ang inumin kong nakapatong. Natigilan ako at natigilan nang may kasabay akong kumuha sa inumin. Hawak ko ang inumin habang hawak naman ng kamay ang aking kamay. Kaagad akong napatingin. Isang lalaking matangkad; naka-mask siya at nakasuot ng isnag baseball cap. Tinitigan ko ng mabuti ang kanyang mga mata na pinaresan ng makakapal na kilay. Mapupungay ito at kulay hazel. Nakasuot siya ng isang simpleng itim na T-shirt. Sunod naman akong napatingin sa kanyang mabalahibong braso. Maputi siya at halatang nagpupunta ito sa gym dahil sa maugat nitong kamay. Nakasuot pa ito ng isang mamahaling relo. Ramdam ko ang init ng kanyang palad. “Sorry, but I believe this is my drink,” ang komento niya. Malalim ang tono ng kanyang boses. Napaisip naman ako; tao ba ito o isang kapreng nagbabalatkayong tao? Muli kong binaling ang tingin ko sa kanyang mga mata. “Excuse me,” ang singit naman ng barista nang mapansin kami. “May problema po ba?” “This guy is claiming my drink,” ang paliwanag naman ng lalaking naka-face mask. “Uhm, sa akin ‘to,” ang sabi ko naman. “Matcha latte.” “Ano po bang pangalan?” ang nakangiting tanong barista. “Ever,” ang sabay naman naming tugon kaya napatingin kami sa isa’t-isa. “Pwede ko bang makita yung cup?” ang paalam naman ng barista na nakamasid sa hawak naming cup. Sabay naman naming binawi ang aming mga kamay. “Look,” ang sabi naman ng lalaki sa akin. “Can I have this? Nagmamadali kasi ako.” Napasimangot naman ako. “Well, hindi naman ako nagmamadali,” ang mahina kong komento. “Sige, Miss,” ang sabi ko naman sa barista. “Ibigay niyo na lang ho sa kanya.” “Matcha latte for… Ever?” ang pagtawag naman ng isa pang barista sabay lapag ng inumin sa bar counter; katabi ng nauna. “Mukhang may forever,” ang nakangiting komento ng barista. Pakiramdam ko ay nakaramdam ako ng pagragas ng dugo sa aking mga pisngi; nakakahiya. Kabaliktaran naman ang naging reaksyon ng lalaki. Natawa naman siya sabay sabing, “Nice one.” Kinuha naman niya ang isa sa mga inumin at napatingin sa akin. “It’s nice to be acquainted with you, Ever. ‘Till then,” ang paalam naman niya sabay lakad palabas ng coffee shop. Sinundan ko naman siya ng tingin. Nagbuga ako ng hangin nang tuluyan siyang makaalis. Kinuha ko naman ang naiwang inumin habang iniiwasan ang manuksok ngiti ng baristang kumausap sa amin kanina. Bumalik naman ako sa aking upuan. “O, bakit natagalan ka?” ang tanong ni Kathleen pagka-upo ko. “Sino ‘yung kausap mo kanina?” ang tanong naman ni Shine. “Ah, hindi ko kilala,” ang tugon ko naman. “Nagkaproblema kasi sa inumin kaya kailangan kong kausapin ‘yung barista pero okay na.” Kapwa naman sila napatango. “Mabalik nga tayo, Angelo,” si Shine. “Ano namang pinagkakaabalahan mo pagkatapos mong umalis ng kumpanya natin?” “Uhm, tulog, kain, tulog, iyak,” ang walang gana ko namang paliwanag. “So, anong balak mong gawin?” ang tanong naman ni Kathleen. “Nag-aaral ako ngayon na maging isang hair and makeup artist,” ang tugon ko naman. Kapwa naman rumihistro ang pagkamangha sa kanilang narinig. “In fairness sa career change,” ang komento ni Shine. “Hindi naman kami na-inform na mahilig ka pala sa pagpapaganda.” “Diyan ka nagkakamali, Shine,” ang pagtatama ko naman. “May kaibigan kasi akong makeup artist na kina-usap ako ako. “Kesa naman magmukmok at maging miserable, mas mabuti na napupunta ang aking isipan sa ibang bagay.” “Sa bagay,” ang pagsang-ayon naman ni Shine. “Tama ‘yan, Angelo,” ang komento naman ni Kathleen. “Makakhanap ka pa ng taong makakakita sa halaga mo.” “Sa totoo lang, ayaw ko munang isipin ang ganyan,” ang tugon ko naman. “Napagod ako sa naging relasyon naming ni Nick. Mahirap magtiwala.” “Hindi naman lahat ng tao ay katulad ni Nick,” ang saad ni Shine. “Alam ko pero… mahirap sabihin kung sino ang sino,” ang paliwanag ko. “Sa ngayon, gusto ko munang pagtuunan ng atensyon ang naibigay sa aking pagkakataon.” “I’m so proud of you, besh,” ang komento pa ni Shine. “Officially graduate ka na talaga ng Team Martyr.” “Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa sinabi mo,” ang tugon ko sabay simangot. “Matuwa ka na lang,” ang sabi naman niya. “Fine,” ang pagsuko ko naman. “Naalala ko nga pala, kamusta na pala si Mike?” Nagkatinginan naman ang dalawa kaya naman napakunot ako ng noo. “Ano nga?” ang muli kong tanong. “Ayun, na-demote ang lolo mo,” ang tugon naman ni Shine. “Ha? Bakit naman?” ang gulat kong tanong. “Palaging may mali sa mga ginagawa niyang report,” ang tugon naman ni Kathleen. “Tsaka na-tsismis siya sa opisina.” “Kung ano man ‘yan, wala na akong interest alamin,” ang komento ko naman. Mukhang gumana nga ang karma. Hindi ko masasabing natutuwa ako pero may ksabihan nga tayo…. You reap what you sow. Sana nga lang ay talagang may matutunan si Mike sa nangyari sa kanya. Bigla kong naalala si Nick at ang kanyang pangagamit at panloloko sa akin. Naniniwala naman akong minahal niya ako nung una. Pero nagbago ‘yun. Kung kailan, hindi ko rin alam. Ginawa ko naman ang lahat pero hindi pa rin siya nakontento. Masakit na ‘yung isiping hindi siya umalis dahil kailangan niya ako pero… wala nang ma sasakit pa sa ginawa niyang magkaroon ng iba… at sa babae pa. May araw ding nakalaan ang karma sa kanya. Nagtagal nga kami sa coffee shop at patuloy na nagkwentuhan sa isa’t-isa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD