CHAPTER 6

1162 Words
Ezyrein Point of view Hindi ko alam bakit nangyari sa'min 'yon sobrang mali ang nagawa namin isa pa wala kaming relations para humantong sa bagay na 'yon. Dahil sa sobrang kalasingan ko pa o sadyang mapusok lang ako kaya ganon. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ang tanga ko para hindi isipin ang mga pinaggagawa ko sa buhay ko. Sobrang nadala ako kaya Hindi ko alam na hahantong sa ganon. Ang tanga, tanga ko para sa mga naging decision ko sa buhay. Pa'no ko ba 'to haharapin? Kahit kaibigan ko nagtataka sa mga kinikilos ko eh. Pero ayaw ko na lang siya pansinin. Andito ako sa may garden gusto ko mapag-isa ayaw ko ng may magulo gusto ko makapag isip, isip sobrang naguguluhan ako. Sumasakit ang ulo ko. Masyadong maraming pumapasok sa utak ko na 'di ko alam alin ang tama't sa mali. "Ezy?" Na estatwa ako bigla sa boses na narinig ko alam ko kaninong boses 'to, ayaw ko pa siyang harapin. Natatakot pa ako sa mga maririnig ko mula sa kaniya. Tumayo ako para makalayo sa kaniya dahil hindi pa p'wede pag-usapan. "T-teka lang? Sa'n ka pupunta? Gusto kita maka usap Ezy?" Hawak niya sa braso ko. Inalis ko naman 'to na siyang ikinagulat niya. "A-ano? Saka na lang tayo mag-usap may gagawin pa kasi ako eh. Sige alis na ako." Pagdadahilan ko tatalikod na Sana ako pero. "Iniiwasan mo ba ako? Ezyrein? Alam ko iniiwasan mo ko. Kaya please mag-usap naman tayo?!" "Huh? Hindi ah.... Sige na saka na lang. Nagmamadali talaga ako. Bye." At mabilis ako umalis sa harap niya at tumakbo ako papasok sa kotse ko nawalan na din ako gana pumasok sa sunod na klase. Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si ate sa harap ng tv. Nakita niya ako at napataas ang kilay nito at tumingin sa malaking orasan namin taka naman Itong napatingin ulit sakin kung bakit ang aga ng uwi ko. "Bakit ang aga mo naman ata umuwi?!" Pagtataray nito. Pagkakatanda ko wala siyang pakialam sa ginagawa ko pero ano 'tong pinapakota niya. "Masama lang pakiramdam ko. Sige ate una na ako." Iniwan ko siya ng 'di na inabangan ang sunod sana niyang sasabihin. ****** Past weeks na at ganon pa din ang ginagawa ko pag iwas kay Zelo, at pati sa kaibigan ko ay iniiwasan ko muna. Ayaw ko muna pag-usapan anong dahilan ng pag iiwas ko. Laging wala ako sa mood sa lahat pati sa mga nasa paligid ko ay nawawalan ako ng gana makipag usap sa kanila. Kaya pati kaibigan ko ay nasusungitan ko din minsan dahil lagi akong nasa mood swing na 'di ko alam ang dahilan. Nag announced pa ang proof namin na may prom nga daw like ball party something pero wala ako gana makinig ang alam ko ganon dahil nga valentines bukas ay gaganapin naman ito dito sa university. Usap usapan na din sa lahat ano nga ba ang susuotin nila at sino magiging ka date nila sa ball kuno. Samantala ako dito sa gilid at walang gana. "Huy best... ok ka lang ba? Weeks na nakakalipas lagi kang ganiyan mood mo?" Kaibigan ko at halatang concern na siya sa'kin. "Tara sa garden." Aya ko ng ikinatango nito. Sumunod naman ito sa'kin hanggang sa makarating nga kami sa favorite spot ko. "Ano meron?" Taka nitong sambit sa'kin. "Hindi ko alam pa'no 'to sabihin.... sobrang bigat na kasi sa dibdib ko." Bigkas ko agad na lalo niyang itinaka. "Teka nga hindi kita ma gets? Ano ba kasi ang problema mo?!" Naiyak na lang sa harapan niya dahil kahit ako hindi ko mabogkas kung sa'n nga ba ako magsisimula. Natatakot ako at baka ijudge niya ako. "H-hala bakit ka umiiyak? Nako best ano ba problema mo? Pa'not pa naging best friend mo ko ta's 'di ka naglalabas ng problema mo sa'kin? Andito naman ako lagi sa'yo papakinggan kita alam mo naman 'yan eh.... Sige na ano ba problema ng mailabas mo 'yan..." Kaya thankful ako kay Rakki kasi lagi siya andiyan kahit na lagi ko na siyang inaaway. "Ang tanga, tanga ko, Rakki. Sobrang tanga ko para magtiwala. Hindi ko alam pa'no? Pero sobrang tanga ko!" Malakas na iyak ko habang nagpapaliwanag samantala siya Hindi alam ano gagawin para mapakalma ako. "Pa'no ka naging tanga? Teka nga ano ba talaga nangyayari? Naguguluhan na ko sa'yo ay 'di lang sa'yo pati kay.... Kay Zelo, ano ba meron na 'di ko alam?" "May nangyari sa'min...." mahinang bigkas ko na nagpahinto sa kaniya at nanlalaki ang mga mata nito na nakatulala sa'kin. "W-wait? Ano ? M-may nangyari sa inyo? Pa'no este kailan pa?!" Ang dami na niyang tanong. Sino ba naman 'di magugulat kung ang dating aso't Pusa ta's malalaman niya may nangyari sa'min. Diba? "Rakki, listen. Nangyari 'to nung time nag bar tayo at naiwan niyo ko sa table, and that night din na 'yon may muntik na mambastos sa'kin-" Hindi ko natapos kasi umepal siya. "Ano? Walnaghiya bakit 'di mo agad sa'kin sinabi? At pa'no 'yung inyo ni Zelo?!" Hindi kasi muna ako pinapatapos eh. "Yes, kaya din 'di ko 'yon nasabi sa'yo kasi ayaw ko mag-alala ka. Pero past na 'yon andon naman si Zelo oo about naman kay Zelo, niligtas niya ako. And next ayon sa sobrang katangahan ko ay may nangyari sa'min bago ako ihatid sa bahay. Ang tanga ko para maging mapusok. Nakakainis kaya iniiwasan ko siya hangga't maari." Paliwanag ko nakita ko siyang tulala na ang laki ng mata parang luluwa na. "Teka lang 'di pa nag pro-proseso sa utak ko lahat ng winika mo Ez." At inihot pa niya sintido nito at kumalma. Pag ganiyan magbubunganga 'yan. "Ezy.... alam mo Sarap mo sampaluna ngayon. Yes tanga mo sa part na 'yon but, wala ako magagawa na andiyan na eh.... saka kaya niyo 'yan nagawa is baka mahal niyo ang isa't-isa haha pero possible naman kung wala eh, kasi naman. Sa mga action niya i think she like you ehhhh... nakakakilig anteh hahahah!" Biglang asar niya akala ko sesermunan ako pero naloka ako sa bigla asar niya. Best friends ko pa ba 'to bakit mas bet niya si Zelo para sa'kin samantala hate niya din 'yon. "Tigilan mo ko. Akala ko ba galit ka do'n ?" Inis ko. "Ang tao nagbabago, kaya nag iba din ang tingin ko sa kupal na 'yon. And gusto ko siya para sa'yo Hahhaha bagay kayo. " "Inisin mo pa ako? Kita mo 'to? Lilipad 'to sa magandang mukha mo." Pagbabanta ko ng ikinatawa pa nito. Marami pa kami napag-usapan at wala na siyang magagawa at susuportahan niya ako sa mga nangyayari sa'kin. Hindi ko alam kung kaibigan ko pa ba 'to at talagang tinutulak ako sa kupal na 'yon. H'wag na daw ako mag deny na 'di ko siya gusto. Sumakit ulo ko sa mga pinagsasabi niya. Kung 'di ko lang siya kaibigan ay baka nakatanggap na siya ng sampol. Enjoy Reading! Please don't forget to vote, comments and support this short story thankyou! ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD