CHAPTER 2

909 Words
Ezyrein P.O.V "I said, bubunot kayo dito sa box ng makakapartner niyo para sa darating na project niyo. So that's it. Sana sunod focus sa discussion ko. Hindi sa kabilang mundo." Mahinahon nitong sabi tumango na lang ako. Tumayo naman kami para nga daw sa bunotan ilang minuto ang lumipas ay ako na ang sunod na tumayo at pumunta sa harapan, ngumiti muna ako kay Ma'am. Saka ako bumunot sa garapon niya na may mga naka ikot na mga papel. At ng makakuha ako ng papel na maliit ay dahan-dahan ko itong binuklat at ng makita ko kung sino ay bigla nangliit ako dahil sa dinami-rami ng mabubunot ko ay ang madalas ko pang kaaway sa room na 'to napakamalas ko. "Zelo....." wika ko sa nakasimangot habang ang isa ngumisi na lang nakita ko pa kaibigan ko na Natawa. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa inis Matapos makabunot ng lahat. "Ok, so lahat meron na partner kaya dapat maging maganda ang kalalabasan ng project niyo, p'wede niyo na tabihan ang mga partner niya at ng mapag-usapan." Wala ako nagawa kundi lapitan ang ugok no choice talaga ako grades na 'to pag tiya-tiyagaan ko muna ang presensya niya. "So... ano topic ?" Pangunguna niya. "What do you think?" Kailangan maging mabait muna. "What if.... games? It's nice para sa'kin kung about mobile legend. Like hero or power that good idea. Right?!" Mangha nitong suggest. Anong klaseng project ba 'to inaano niya mobile legend bakit laro ba ang subject ni Ma'am sa English Management. Kinalaman sa suggest niya sa project namin. "Alam mo? Ang panget mo mag suggest ng project. Seriously Zelo? Mobile legend? Ayan ba maghapon ang pumapasok sa utak mo ang laro, at hanggang sa project natin Ayan suggestions mo. Hoy Zelo, ngayon pa lang umayos ka grades ko nakasalalay dito. Kung 'di ka magseseryoso 'wag ka na lang mag suggest. P'wede? Walang k'wenta suggest mo." Inis ko sabi dito tinaasan lang ako ng kilay. "Puro lang kasi laro ang nasa utak... kaya wala maiambag ngayon sa project, jusko bakit siya pa naging partner ko" Bulong ko. "I hear that!" Sinamaan ko siya ng tingin. "I di congrats kung narinig mo?! At least nga shinshare ko sinasabi ko Diba?!" Pambabara ko dito. "You shut up!" Sabi niya pa. Nainis naman ito sa'kin gigil na gigil agad mukha niya.. Matapos ang subject namin ay wala naman iba kaming ginawa kundi magtalo sa project kaya ng matapos ay agad ako tumayo at bumalik sa tabi ni Rakki na tawang-tawa dahil nakikita at naririnig niya ang pagitan namin ni Zelo. "Ganda ng ka partner mo hahahah. Makakatapos kayo diyan." Pang-aasar nito sakin na ikinaiinis ko. "Sarap niya bigwasan wala siyang ginawa kundi mambweset ngayon araw na 'to, 'di marunong mag seryoso gosh.... bakit siya pa naging ka partner ko?! Kakainis ngayon pa lang stress na ko eh." Maktol ko. Pumunta muna ako sa library para kumuha ng book na gagamitin sa project namin lalo na one week lang ang deadline niya kahit ako na lang ang tatapos gusto ko ng tahimik.... Hindi ko alam ano oras ako natapos kaya nagulat ako na pagabi na pala kaya ibinalik ko na ang book at lumabas na, Medyo marami pa ang tao kaya panatag ako na may iba nandito akala ko ako na lang. Nakalimutan ko pa mag text may Rakki nagmadali na ko pumunta ng parking, ng makarating ako ay sumakay na ko sa kotse ko at nag byahe na ko pauwi. Pagpasok ko sa bahay ay tahimik na siguro mga Tulog na tao dito tinapos ko muna lahat ng ginagawa ko bago umakyat. Bago ako makapasok sa k'warto nakita ko open pa ilaw ni ate, pero nagdiretsyo na ko sa k'warto ko. Nagbihis muna ako at umupo sa bed ko napa-isip ako what if? Andito si mama, o kaya what if? Isinama na lang ako ni mama magiging masaya kaya ako sa kaniya kahit na may iba siyang kinakasama. Nakakalungkot lang kasi ang complicated ng buhay ko. Mama ko may ibang asawa samantala ako ay sampid lang dito sa bahay, kasi anak lang naman ako sa labas, Hindi ko din kasundo mga kapatid ko, may dalawa akong ate at isang kuya. Pero kahit isa 'di ko sila kasundo. Nandito lang naman ako sa bahay nila kasi anak ako ni papa, siya nagpapa-aral sakin. Siya ang gumagastos sa lahat. Si mama naman minsan lang mag bigay ng allowance ko. Kasi may anak siya. Tapos sila ate 'di ako binibigyan kahit pang baon or what never pa ko nila nabigyan kaya nasanay na ko sa kanila. Kahit nga nagkakaharap kami ay 'di kami nagpapansinan. Siguro kapag may ibang tao lang kami nagkaka-usap. Para sabihin na kahit 'di nila ako tunay na kapatid ay maganda ang pakikitungo namin sa isa't-isa kahit ang totoo ay hindi naman talaga. Iiyak ka na lang talaga kapag may mga nasasabi silang masasakit sa'yo kasi nga anak ako sa labas. At tanggap ko 'yon simula nag ka edad ako tinanggap ko sa sarili ko na anak ako ni papa sa labas. Pero naging matatag ako sa lahat ng pagsubok kahit walang tulong mula sa kanila ay kinaya ko. Kaya simula nag collage ako ay nag iipon ako para sa sarili ko, para kapag sapat na ay magbubukod na lang ako dahil kahit anong gawin ko dito sa bahay ay laging invisible ako sa paningin ng mga kapatid ko. Ang hirap ng situation na 'to pero kinakaya ko ang lahat. **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD