CHAPTER 8

1065 Words
Ezyrein P.O.V Kinabukasan Maaga ako nagising dahil ramdam ko na naman ang kakaiba sa tiyan ko mabilis ako napabangon at tumakbo sa banyo ko. Lahat na ata naisuka ko pero wala naman ibang nalabas kundi tubig. Nagtataka na ako kung bakit. Dahil wala naman pasok ay kailangan ko magpahinga siguro puyat lang o kaya pagod gano'n. Hapon na ng bumaba ako para Kumain naramdaman ko na nagugutom na mga alaga ko, at nagtimpla na din ako ng kape. Ang sarap ng ulam ginataang tilapia, kumuha ako ng kanin at ulam pero may naamoy ako na something sa ulam. "Ano 'yon? Ang baho kainis. Ayaw ko na nga nito. Ano p'wede maulam na iba? Ah alam ko na." Nagluto ako ng pancit cantoon dahil bigla ako na crave at nilagyan ko ng itlog ng matapos ay nilagyan ko ng ketchup sarap. Susubo na sana ako ng bigla nakita ako ni ate na may pagtataka sa kinkain ko. "Anong klaseng pagkain 'yan? Pancit cantoon with ketchup? Ok ka lang?!" Pandidiri nito at tinalikuran ako. Hindi ko na lang siya pinansin at sarap na sarap ako sa kinakain ko nakarami pa ko ng ketchup sa pancit cantoon ko. Lumipas ang ilang araw na kapag gigising ako ay gano'n nangyayari lagi morning sick ko ay magsuka na wala naman sinusuka. At napapansin ko din sa sarili ko Medyo tumataba ako. Ang lakas ko Kumain this past few days. Andito ako sa garden at napapaisip na din sa mga nangyayari sa'kin past few days. Isabay pa ang laging pagod sa practice para sa darating na graduation namin. Isang beses ay bigla ako nahimatay dahil sa init. Hindi na nga din ako no'n nakabalik kasi Sabi ipahinga ko na lang daw. Kahapon naman may naamoy ako na something sa kay Rakki na ikinataka din niya at nagsuka ako. Kahit nga presensya ni Zelo ay naiinis ako kapag nakikita ko pagmumukha niya. Na aadik ako sa marsmallow na may ketchup something na alam ko werdo na sila Rakki at Zelo sa mga ginagawa ko past few days. Minsan ay gusto ko ng mangga na may ketchup din ta's masarap kapag may halong asin. Weird kung baga pero ang sarap niya para sa'kin kahit sila ate nawewerduhan na sa mga kinakain ko. Naguguluhan ako ano nangyayari sa'kin? Ano bang meron? Bakit ako ganto? Ang sakit na ng ulo ko kakaisip. "Andito ka lang pala?" "Rakki?" "P'wede ba tayo mag-usap?" "Sure. What is it?" "About sa'yo, sana ?" "Tungkol sa'n?" "Ezy... 'di mo ba napapansin past few days?" "Hindi ko alam Rakki. Sobra ako naguguluhan sa mga kinikilos ko. Sometimes ang weird ko." "Exactly. Ang weird, weird mo! May feeling ako eh... Kaso baka magalit ka... if sabihin ko mga na search ko sa ganiyan kaso." Napatingin ako sa kaniya. "Spell it." "It is ok?" "Yes, kahit ako 'di ko alam kung bakit?" "Kailan ka huli dinantnan?" Biglang tanong niya. Napaisip ako kung kailan, ang tanda ko last January 20 pa but.... napahinto ako sa iniisip ko kasi until now wala pa ko. Masyadong delay na menstration ko. "Ezyrein? Ayos ka lang bigla ka namutla?" "Y-yes... Rakki kasi until now 'di pa ko nagkakaroon. And masyadong delay na. Sh*t!" "So.... I think tama ang hinala ko?" "Na ano?!" Taka ko pa. "Your pregnant" Napahinto naman ako sa mga sinabi niya, at nanlalaki ang mga mata ko. Possible? Hindi p'wede. At do'n ko lang naalala na may nangyari sa'min ni Zelo Fuente. Hindi kaya may nabuo na 'di dapat? Ano gagawin ko? Mapapatay ako ng papa ko? "Best... kalma ok? Relax... h'wag ka overthingking. Kaibigan mo ko, alam ko last month may nangyari sa inyo ni Zelo, pero kailangan mo din harapin ang consequences na nagawa niyong dalawa. At lalo na dapat pag-usapan niyo ang tungkol diyan. Pero kailangan mamaya pa check up muna tayo. Para sure na meron laman nga ang nasa sinapupunan mo." Matapos na pag uusap ay pumunta nga kami ni Rakki sa malapit na center lang. Kinakabahan man ako pero kailangan ko harapin ang katotohanan na baka buntis nga ako. Andito kami sa ob at ng tinawag na ko sa loob ay sinamahan pa din ako ni Rakki. Chineck nga ako ni doctor at marami examination ang ginawa. Ng matapos ay lumabas muna ito andito kami dalawa ni Rakki nakaupo at hinihintay ang results. "Best... andito ako lagi para sa'yo ok? Kinakabahan din ako sa magiging results. Pero isang malaking blessing 'yan beshy.... ayieee nakaka excited pero in the same time kabado tayo. " Hindi ko alam ang nararamdaman ko this time. Pumasok na ang doctor kung asan kami at pumunta siya table niya at ano-ano pa ginagawa sa Hawak niyang papel na 'di ko alam ano tawag. "Ok, Ms. Ezyrein base sa mga results na ginawa natin ay ito na ang kinalabasan. 'Wag po kayo mabibigla kasi sa results na 'to ay yes, you are pregnant. Three weeks na siya. Congratulations Ms. Ezyrein! Mommy na kayo!" Masayang bati nito sa'kin. Napatingin pa ako kay Rakki na nanlalaki ang mga mata nito habang takip, takip niya ang palad niya sa bibig niya. Alam ko pinipigilan niya sumigaw dito sa harapan ng doctor. "Sige Ms. Ezyrein mauna muna ako may patients pa kasi ako sa kabila. Congratulations again" paalam ni doctor. Kaibigan ko na ang nagpaalam kasi ako until now I'm so speechless sa mga narinig ko at nalaman ko. I'm pregnant.... I'm 3 weeks pregnant.... What should i do? Kaya ba 'tong tanggapin ni Zelo na may anak siya sa'kin? What if ipagtabuyan ako, kami ng magiging anak niya? Ano gagawin ko kapag gano'n parang 'di ko kaya. "Omg! Ezyrein! Wahhhhh! Ninang na ko! Hahaha omg! Congratulations" biglang tili at talon-talon nito sa harapan ko. Pero natigil siya sa kakatalon niya ng makita ako na tahimik lang. "Huy... ok ka lang ba? Bakit parang 'di ka masaya? Ayan na ang results best... Your pregnant at magiging ninang na ko haha!" " Masaya naman ako oo. Pero may gumagabagabag lang sa utak ko na puro what if?!" "Aysus Ezy... Ayan ka na naman sa pagiging negative mo. H'wag ka nga nega... Always positive don't worry andito ako sa tabi mo ok? So Tara na bawal ka magpagod. At kailangan muna din mag pahinga." Nakauwi naman ako na si Rakki ang nagasikaso sa lahat sobrang tuwang-tuwa siya sa kaniyang nalaman at dinaig niya na siya ang buntis. Nagpasalamat na din ako sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD