Pagpatak ng alas tres ng madaling araw, unti-unting nabalot ng kadiliman ang lupa kahit may buwan. Naghanda ang lahat, napapalibutan ng mga malalakas na bampirang kawal ang tarangkahan at buong hangganan ng Halmero.
Ang mga piling mandirigma naman ay nakabantay sa pinuno. Titiyakin nila ang kaligtasan ng bata at ng Hari.
Nang tumakip ang buwan sa mundo at magsimula ang Eklipse, maingat na inilapag sa altar ang bata katabi ng Hari. Pumasok naman sa kanyang silid si Anasia para magdasal. Hindi nya rin gustong makita ang gagawin sa kanyang mag-ama.
"Efres, ingatan mo ang aking anak." bilin ni Hevacio sa manggagamot.
"Masusunod Mahal na Hari." sagot naman ng Mataas na Manggagamot.
Maingat ang paghawak ni Efres sa patalim. Una nyang sinugatan si Hevacio habang umuusal ng orasyon. Habang tumutulo ang dugo sa gintong sisidlan, dahan-dahang nanghina si Hevacio. Ramdam nya ang mabilis na tila pagkaubos ng kanyang lakas at gustong pumikit ng kanyang mga mata.
Efres:
"Pinuno, huwag na huwag kang pipikit. Labanan mo ang iyong panghihina."
Wala nang maririnig na sagot sa pinuno, wala na syang lakas para magsalita pa.
Samantala, sa hangganan ng Halmero, nagaganap na ang isang malaking labanan. Mula sa kadiliman ay lumitaw ang mga masasamang bampira. Walang laban ang mga bantay ng palasyo sa mga espadang may lason ng mga kalaban.
Isang tarak lamang ay umaapoy ang kanilang katawan at naglalaho. Tanging mga abo nila ang naiwang bakas na inililipad din ng hangin.
Furton:
"Kawaye! Palibutan nyo ang Halmero! Sisiguraduhin nating masasalin muna ang dugo ni Hevacio sa bata, bago tayo papasok!"
"Masusunod Pinuno." sagot ni Kawaye.
"Rogan, bantayan nyo ang tarangkahan ngayon mismo. Ikaw ang manguna sa pangkat." utos nya sa nag-iisang anak na si Kurogane.
Tinipon nga ni Rogan ang pangkat nila upang mapalibutan ang tarangkahan ng Halmero sa utos ng Amang si Kawaye.
Si Kawaye, ang kanang kamay ni Furton. Isa itong malakas at matapang na bampira. Walang awa at nakakatakot. Masidhi ang galit nya sa matandang hari na nagpasara ng lagusan patungo sa mundo ng tao, at gayundin kay Hevacio na patuloy na pinoprotektahan ang harang na iyon.
Habang kasalukuyang nangyayari ang pagsasalin, walang kaalam-alam ang lahat na nasa panganib na sila. Ang munting braso ng sanggol ay hiniwa din ni Efres. Ang palad nito at maging ang nuo. Ang dugo mula sa sanggol ay itim na itim na dahil sa sumpa.
Nakakaawang iyak ng sanggol ang maririnig sa katahimikan ng paligid. Lumuluha si Anasia at ramdam ang paghihirap ng anak. Dinig nya ito kahit pa nagkulong na sya sa kwarto.
"Tahan na. Magiging maayos rin ang lahat. Maliligtas ka." wika ni Eftes sa bata.
Maingat ang bawat proseso, ang dugo ay binasbasan at dinasalan nya sa ilalim ng eklipse. Dahan-dahang ibinuhos nya ang dugo sa altar kasabay ng ilang orasyon. Kusang umagos ang dugo papasok sa mga hiwa ng bata. Sumisigid ito at tila may buhay na dumaloy sa bawat sugat.
Ilang saglit lang, ang katawan ng sanggol ay unti-unting naging putla. Nawala ang pangingitim at nang sumalin ang huling patak ng dugo, kusang naghilom ang kanyang mga hiwa.
Masayang-masaya ang mga nakasaksi sa pagsasalin. Hindi nila akalaing kakayanin ito ng bata. Pero ang dugo ng pinuno ay walang patid parin sa pag-agos.
Si Sola, isa sa mga manggagamot ang nagtataka kung bakit ganun kalalim ang hiwa ni Efres kay Pinunong Hevacio. Gayung batid naman nito na manghihina ang Hari sa pagkawala ng dugo kaya hindi kusang maghihilom ang sugat.
"Mataas na Manggagamot, hindi kaya masyadong malalim ang iyong pagkasugat sa Hari?" nag-aalala nyang tanong.
Efres:
"Mas puro ang dugo kung mas malalim ang sugat. Hindi ka pa bihasa hindi ba? Kaya huwag mo akong kwestyunin!"
Nanahimik nalang si Sola habang ginagawa nila ang lahat para maampat ang patuloy na pagtulo ng dugo ni Hevacio. Bago humiwalay ang buwan sa mundo, matagumpay ang pagsasalin.
Sumilay na ang liwanag, ito na ang hudyat na hinihintay nina Furton. At wala ng kasiguraduhan pa ang kaligtasan ni Hevacio.
Nabigla ang mga bantay sa tarangkahan ng Halmero. Bagaman naghanda sa maaring maganap, hindi nila inakalang ganito susugod ang masasamang bampira. Sabay-sabay at may dalang kakaibang mga espada.
Ang mga espada ng mga ito ay tila may apoy na sumusunog sa kanilang mga katawan. Sa ganito naubos ang mga bantay sa hangganan. Lumaban sila hanggang huli para protektahan ang kastilyo. Ngunit planado ng kalaban ang lahat-lahat.
Mula sa malayo ay nakatanaw si Furton. Umaayon ang lahat sa gusto nya. Buti na lamang at naging kakampi nya ang itim na salamangkero kaya malaki ang posibilidad na magwagi ngayong gabi.
Habang nauubos na ang nga bantay sa labas ng tarangkahan, puno naman ng takot at pag-aalala ang mga nasa loob. Hindi na gumagalaw si Hevacio. Ang pangatlong gintong mangkok ay mapupuno na rin ng dugong tumutulo mula sa sugat nya.
Patakbong lumabas ng silid ang Reyna.
"Efres, bakit di na sya gumagalaw! Anong nangyayari!"
Efres: "Wala na syang malay. Ginawa namin lahat ngunit ayaw maghilom ng kanyang sugat."
Anasia: " Hindi ito maaari! Gumawa ka ng ibang paraan Efres! Hindi pwedeng mawala si Hevacio, parang awa mo na!"
Umiiyak na ang reyna, batid naman nilang maaring mangyari nga ito. Pero hindi talaga sya handang mawala ang kabiyak.
...
Maraming gamot ang inilapat sa Hari ngunit nanatili syang nakapikit. Nahihintakutan na ang mga nasasakupan nya.
Ano nga ba ang mangyayari pag nawala si Hevacio? Sino ang hahalili sa kanya at poprotekta sa kanila laban sa mga masama?
Tahimik na tahimik ang paligid. Nang biglang tila kulog na may tumama sa tarangkahan ng kastilyo. Yumanig ito at nagsigawan ang lahat sa loob. Nagtakbuhan at nagkagulo.
Efres:
"Anasia, itago mo sa ligtas na lugar ang bata!"
Anasia:
"Hindi ko iiwan ang Hari. Hindi namin sya iiwan. Kailangan nya kami!"
Efres:
"Alalahanin mo ang kaligtasan ng iyong anak. Sya ang dahilan kung bakit nagbuwis ng buhay ang Hari!"
Anasia:
"Anong sinasabi mo? Buhay pa sya! Hayan ang katawan nya!"
Efres:
"K-kapag nasaid ang dugo sa kanyang katawan, ma-mawawala na ang Hari."
"Hindi totoo yan! Mabubuhay si Hevacio!" palahaw ni Anasia.
Sa huling dagundong ng tarangkahan, bumukas ito. Ang mga mandirigma ay mabilis na pumalibot sa kanila.
"Protektahan ang Hari! Protektahan ang Reyna!" sigaw ng lahat.
"Dalhin ang reyna sa lihim na silid! Ngayon mismo!" utos ni Efres sa kanila.
Wala nang nagawa si Anasia, pilit syang dinala ng ilang mandirigma sa lihim na silid. Isang silid na tanging mga bantay at matataas na tao lang ang may alam.
Matatagpuan ito sa pinakadulong bahagi ng palasyo, sa ilalim ng lupa. Walang sinuman ang mag-iisip na may silid duon kaya ligtas sila.
Umiyak na lamang si Anasia lalo na at may kutob na syang mangyayari nga ito. Kung sana ay kumuha nalang sila ng dugo ng tao tawid, hindi mapapahamak ang buong palasyo.
...
Minuto lang ay nakapasok na nga sa loob ng Kastilyo ang mga masasamang bampira.
(Bakit kailangan nilang dumaan sa tarangkahan? Dahil hindi lumulutang o lumilipad ang mga bampira. Maliksi lamang sila, malakas at mabilis kumilos.)
Wala nang mga bampira sa bulwagan, nakapagtago na sila lahat sa labis na takot. Tanging mga bantay na mandirigma ang lumalaban para sa nakahigang Hari. Ngunit ang mga manggagamot ay nanatili din. Handa nilang ialay ang buhay para kay Hevacio.
Kahit pa wala silang magawa habang unti-unting nauubos ang mga mandirigma. Ngayon lang nakasaksi ng ganito si Sola, at napaluha sya sa nasasaksihan. Nag-gagamot sila, nagliligtas ng buhay ng bampira, ngunit puro kamatayan ang nakikita nya ngayon.
Ilang minuto pa, tanging ang limang manggagamot nalang ang nakatayo.
Furton:
"Nasaan na ang bata Efres!."
Efres:
"Hindi mo pwedeng saktan ang sanggol. Hindi ako papayag!"
Furton:
"Hahhaha! May malasakit ka pala sa bata. Huwag kang mag-alala. Mahaba pa naman ang buhay nya . Ngunit ang kayang ama, malapit nang mamaalam!"
Humarang sa altar ang mga manggagamot kung saan nakahiga ang Hari.
Kawaye:
"Huwag na natin syang pahirapan Efres. Pabilisin na natin ang lahat para maglaho na sya agad."
Efres:
"Nanghihina na sya! Malapit nang maubos ang kanyang dugo, hayaan nyong mamaalam ang Hari ng payapa!"
"Furton, hindi ba natin mapapakinabangan ang dugo ng Hari?" tanong ni Kawaye.
Furton:
"Ayon kay Core, walang silbi ang dugong nagmula sa walang malay na katawan. Kaya wala ring silbi ang dugong yan. Ikulong ang lahat ng manggagamot!"
Dinakip nga ang mga ito at ipinasok sa bilangguan, ngunit hindi kabilang si Efres. Batid nilang kahit kamatayan ay hindi katatakutan ng Mataas na Manggagamot, ganun ito katapat sa tungkulin.