"Baguio nanaman?" Naka ngusong sambit ni Saraiah habang naka sandal sa hood ng sasakyan ni Noah.
Hinihintay
kasi namin sila Ryen na makarating dito bago kami tuluyang umalis since
sakanila sasakay si Saraiah.
"Sawang
sawa ka na ba?" Natatawang tanong ko sakanya.
"Oo,
lalo na at sa bahay nanaman namin." Dagdag pa niya at bahagyang umirap.
"Sainyo
naman talaga palagi." Biro ni Noah na ikinatawa ko.
"Mas
malapit." Dagdga ko pa.
"Lugi
sainyo ah, parang wala don mga parents niyo." reklamo niya.
"Lonely
ka kasi, mag isa, walang kasama, kaya dapat doon tayo para buhay ang bahay
niyo." Nakangisi kong sambit sakanya.
"Oo
na, ako na single, ako na mag isa." Pag iinarte niya.
Hindi
naman nag tagal ay dumating na rin sila Ryen.
"Nandito
na pala ang mga pa important na mga tao." Pag paparinig ni Saraiah.
"Sige
mang asar ka para lalo kang kawawain mamaya." tumatawang puna ko dahil
alam kong pag titripan nanaman siya nila Ryen mamaya.
"K,
makatahimik." Naka nguso niyang sambit.
"Tara
na?" Tanong ni Noah kaya nag sitanguan na kami at nagsi pasukan na sa
kanya kanyang sasakyan.
"Ingatan
niyo yang single na yan ha?" Paalala ko kila Ryen na ikinanguso ni
Saraiah.
"Anak
ng tokwa naman." Reklamo niya.
"Totoo
naman ah? single ka?" Tumatawa kong sambit dahilan para mapa irap siya.
"Oo
na." Reklamo niya at pumasok na sa sasakyan ni Davian.
"Dating
gawi nalang ha?" Paalala ni Davian kay Noah na agad namang tinanguan ni
Noah.
Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasang mag isip.
“Ang lalim naman ata ng iniisip mo?” Takang sambit ni Noah.
“Iniisip ko lang si Saraiah. Imagine madalas na tayo sa Baguio, sa bahay pa nila mismo knowing na andon lahat ng memories niya with Achilles.” Seryoso kong sambit.
“Parang ang hirap I adopt and mag adjust sag anon? Like kaahit saan ka mag punta sa Baguio, kahit saang pasikot sikot ang maaalala at maiisip mo lang is yung mga naging memories niyo nung tao. At for sure, pati yung tao na aalala niya.” Dagdag ko pa.
“Alam mo ‘yung feeling na kahit saan ka lumingon, isang tao lang yung naaalala mo? Kahit saan ka pumunta sa loob ng isang bahay, isang lugar, isang kanto, parang siya lang ang laman ng hangin, ng alaala, ng paligid. Kahit ilang ulit mo nang sinabihang sarili mo na tapos na, na wala na siya, na wala na kayo… yung lugar na ‘yon, ayaw kang paalisin sa nakaraan.” Natatawang sambit ko
“I get your point. Kahit naman siguro sino kung ako nakakaramdam noon mahihirapan ako.” Sambit ni Noah habang seryosong naka tingin sa dinadaanan since he was driving.
“Alam ko mahirap. Hindi madali ang araw-araw na gumising sa isang lugar na puno ng alaala ng taong minsan mong minahal. Yung bawat sulok may kwento, bawat parte ng bahay may iniwang emosyon. Parang kahit anong gawin mo, minumulto ka ng nakaraan. Pero, that’s how life should be. Kailangan tanggapin at kailangang umusad pa rin kahit paulit ulit kang ibinabalik.” Seryoso niyang sambit.
“Sabi niya sa amin ni Ryen noon, “Kahit saan ako pumunta dito sa bahay na ‘to, siya lang talaga naiisip ko.” Sa sala, sa kusina, sa terrace, sa kwarto, sa mismong Baguio na ngayon, wala na. At ang masakit pa, doon din sila nagkahiwalay ‘no? Sa parehong lugar kung saan sila nagsimula, doon din sila natapos. Kaya paano ka nga ba makaka-move on, kung bawat sulok ng mundo mo, paalala pa rin ng taong iniwan ka?” Seryosong sambit ko habang malalim pa rin ang pag iisip.
“Pero you know what? It’s pretty normal. Normal na kahit anong pilit natin mag-move on, may mga lugar talagang babalik at babalik ang alaala. Kasi ‘yung mga lugar na ‘yon, hindi lang basta espasyo, yan ‘yung naging tahanan ng damdamin. May laman, may bigat, may kwento. At kung nasaktan ka doon, hinding-hindi mo agad makakalimutan.” Sambit ni Noah na sinang ayunan ko.
“Ang alaala ay hindi kalaban. Ang sakit, hindi mo kailangang itapon para lang makalimot. Minsan, kailangan lang natin itong tanggapin na parte siya ng buhay natin. Hindi para manatili sa sakit, kundi para mas maintindihan ang sarili nating lakas. Sabi nga nila, learn from your mistake.” Nakangiting sambit niya pa.
“Sometimes I wonder, paano nakakayanan ni Saraiah yun? Paano niya nagagawang bumisita pa rin sa lugar na iyon ng madalas? Sabi niya, "Wala akong choice. Nandito pa rin ako kasi kailangan. Pero araw-araw, pakiramdam ko parang minumulto ako." Not in a creepy way, but emotionally. Minumulto ng mga alaala. Parang may multo ng "sana" at "dapat" na hindi niya maiwasan. And I get it. Kasi memories aren’t just in photos or messages. They live in places. They stay in walls, in doorways, in silence, in songs na tumutugtog sa background.” Seryoso kong sambit.
“Kahit hindi niya nakikita ngayon, malayo na ang narating niya, and that’s all it matters. Kasi even if minumulto siya ng alaala, araw-araw niyang pinipiling bumangon. Kahit hirap siyang kumain sa parehong mesa, kumakain pa rin siya. Kahit mabigat ang bawat hakbang, lumalakad pa rin siya. And that’s strength. That’s quiet courage.” Sambit ni Noah.
“Saraiah won’t be stuck there forever. One day, babalik siya sa mga lugar na ‘yon, hindi na para umiyak, kundi para mag pasalamat. Dahil kahit nasaktan siya, doon din siya naging matatag. Doon siya natutong mag mahal. Doon niya rin natutunan paano maging buo kahit iniwan.” Sambit ni Noah.
“So breathe. And trust the slow healing. “ Nakangiting sambit ko.
“Nakaka amaze kung paano niya tiisin at hayaan hano?” Sambit ko pa.
“Sanay na kasi siya, and besides na da divert kasi atensyon niya sa atin kaya imbis na nalulungkot o nag rerelapse o nag re reminisce siya, nababaling atensyon niya sa atin. Kahit na inaasar natin siya at binibiro, the fact na tinatanggap at sumasabay siya, andon na siya sa phase na kaya niya.”Sambit ni Noah.
“Napapangunahan lang talaga siya ng takot kasi hindi niya expected na mangyayari, hindi lang siya handa.” Dagdag pa nito.
“Stop over tayo, lumiko sila Davian.” Natatawa niyang sambit kaya napalingon ako sa aming likod.
“Napansin mo pa yun?” Gulat kong sambit.
“Oo naman, nag high kasi siya ng ilaw kaya kung pansin mo kanina may tatlong nag flash galing sa likod.” Sambit ni Noah.
“Gawain kasi naming yan kapag nag hihintayan kami, Senyas.” Sambit ni Noah.
“Bibili ba ikaw??” Tanong ni Noah sa akin.
“Yeah, what do you want?” Tanong ko sakanya.
“Anything. Matutulog muna ako saglit, Wake me up kapag aalis na hmm?” Sambit ni Noah at bahagya akong hinalíkan sa aking labi.
“Sleepwell.” Sambit ko at bahagya siyang hinalíkan sa kaniyang pisngi bago ako tuluyang lumabas.
“Hindi rin lumabas si Noah?” Tanong ni Ryen.
“Iidlip daw.” Kibit balikat kong sambit na tinanguan nila.
“Si Davian din?” Tanong ko.
“Tara na bumuli, naguguto ako.” Sambit ni Saraiah at sabay kaming hinitak ni Ryen.
“Kalma sap ag kain, nasa byahe tayo.” Paalala ni Ryen matapos mapansin na apura kuha ni Saraiah sa stall.
“Anong oras na ba?” Tanong niya.
“12 am palang.” Sambit ko matapos tignan ang aking cellphone na si Noah ang wallpaper.
“Midnight snack pala dapat.” Tumatawa niyang sambit.
“Hindi tayo nag dinner, we should eat. For sure kumakalam na sikmura niyo.” Sambit ni Ryen na agad nag punta sa stall kung saan nakalagay ang mga pagkain na pwede I reheat.
“Mamili ka na, pang tawid gutom.” Sambit niya kay Saraiah habang ako ay mas piniling mag ikot at maghanap ng pagkain na ibibigay k okay Noah.
He’s literally a picky eater kaya mahirap bilhan ng kung anong pag kain lang.