“Kamusta?” Sambit ko nang Makita si Saraiah sa sala ng condo namin.
“Parang hindi mo ako araw araw nakikita ah?” Takang sambit ni Saraiah.
“Hindi kasi yon.” Sambit ko.
“Ano nanaman?” Reklamo niya.
“Kamusta ang puso?” Tanong ni Ryen.
“Tigilan niyo akong dalawa at huwag niyo akong sampulan.” Reklamo niya at akmang tatayo ng bigla akong umupo at akbayan siya.
“Seryosong tanong, girls talk.” Sambit ko habang nag tataas baba ang aking kilay.
Agad din naman na umupo si Ryen dahilan para mapa gitnaan naming si Saraiah.
“Wala kang kawala.” Biro ni Ryen kaya mas lalo siyang napanguso.
“Okay naman na ako. Ngayon.” Sambit niya at nag iwas ng tingin.
“What if umuwi si Achilles? Mag kita kayo?” Tanong ni Ryen.
“What if one day, makita mo yung taong pinaka hinihintay mo… pero sa oras na hindi mo inaasahan? Yung tipo ng timing na hindi mo pinagplanuhan, na wala kang makeup, wala kang mental preparation, wala ka sa best version mo, tapos boom, siya ‘yun. Siya nga.” Sambit ko.
“Yang mga theory niyo at what ifs nag kakatotoo. Minsan tuloy nakakatakot na.” Reklamo niya.
“Napaisip ako sa tanong niyo na ‘yan. Kasi ang totoo, pinaghandaan ko naman talaga. Bago ako umuwi ng Pinas, I told myself over and over: “Pag nakita ko siya, kaya ko na. Hindi na ako iiyak. Magiging maayos ako. Titignan ko siya sa mata, tapos ngingitian ko siya na parang wala lang.” Pero ngayon, na-realize ko, iba pala talaga pag andiyan na yung moment. Iba ang iniisip mo sa mararamdaman mo.” Natatawang sambit niya.
“The moment I heared his name sa news, alam ko sa sarili kong hindi pa pala ako handa. Na kahit anong sabihin kong okay na, handa na, hindi pa rin pala kapag mismong andyan na.” Dagdag pa niya.
“Kasi pano kung sa araw na ‘yon, okay ka na. Alam mo yun, finally nakakahinga ka na ng maayos, hindi mo na siya naiisip tulad ng dati. Then out of nowhere, bigla siyang nagparamdam. Bigla mo siyang nakita. Doon sa lugar na hindi mo inaasahan. Sa araw na hindi mo inaakalang magiging “closure” niyo pala. Kaya mo ba?” Tanong ni Ryen.
“I guess we will never nknow, unless it will happen. Kung mangyayari, saka ko masasagot. Ayoko mag salita ng patapos, kakainin ko nanaman yan.” Nakanguso niyang sambit dahilan para mapatawa kami ni Ryen.
“Takot ka ba o ayaw mo lang maulit nangyari sa akin?” Natatawang sambit ko.
“Pwede bang both?” Biro niya.
“I imagine it sometimes. Yung simple lang, tatawid ako sa kalsada, may makakasalubong akong pamilyar na lakad… tapos pagtingin ko, siya ‘yun. Titigil kaya ang mundo ko? Titigil ba ang paghinga ko? O kaya ko na bang ngumiti at maglakad lang na parang wala?” Sambit niya, mukhang sumuko na at talagang mag oopen up na sa amin ni Ryen.
“Ang hirap sagutin. Kasi kahit expected mo, kahit ilang beses mong inaalala sa isip mo kung paano kayo muling magkikita, iba pa rin pag totoo na. Nakakatakot. Nakakakaba. Kasi sa totoo lang… baka hindi ko pa rin pala kaya.” Seryoso niyang sambit.
“Kasi hndi ka pa naman talaga handa. Hindi mo pa na lelet go at nabibitawan kaya kahit saan mo tignan, hindi ka magiging handa unless nasa harapan mo na mismo at ang tanging choice mo lang ay ang no choice.” Seryoso kong sambit.
“It’s not too late, and it’s not too early. Tama lang. Limang taon.” Tumatawang sambit ni Ryen dahilan para bahagya rin akong matawa.
“Baka pag nakita ko siya, bumalik lahat. Yung sakit, yung saya, yung "almost" na hindi naging "kami." Baka bumalik yung mga tanong na hindi nasagot, yung mga salitang hindi nasabi, yung mga luhang pilit kong tinuyo pero nakaimbak pa rin pala.” Dagdag niya.
“Hindi mo naman kasi need kimkimin lahat yan. Kung tutuusin ay mailalabas mo yan kung mag sasabi ka. Hindi naman pagiging mahina ang umiyak, ang humingi ng tulong at ang magsabi sa taong alam mong kakampi at masasandalan mo.” Seryosong sambit ni Ryen.
“Minsan kasi, the more na nakaipon sayo yan, the more na tinatago mo, mas lalo niyang gusting lumabas, gusting sumabog. Mas masakit.” Sambit ni Ryen na sinang ayunan ko.
Tama naman, kasi naranasan ko rin yan noon.
“I know some people will say, “Eh di ka pa pala move on.” Maybe. Pero minsan kasi, hindi lang basta about moving on, diba? Minsan, it's about facing someone who saw you at your most vulnerable, someone who knew a version of you na halos ikaw na lang ang nakakalimot. Yung tao na kahit wala na, may parte pa rin sa’yo.” Sambit ko.
“Saglit, naninibago ako.” Biro ni Saraiah kaya ngumuso ako.
“Huwag kang basag.” Reklamo ko na ikinatawa nilang dalawa.
“So what would I do if that happens? I don’t know. Maybe I’d freeze. Maybe I’d look away. Or maybe, just maybe… I’d look at him, smile a little, and walk away. Not because I don’t care, but because I finally can.” Sambit niya.
“Malabo pa sa grado ng mata ni Ryen yan.” Biro ko habang tumatawa.
“Nag sisimula ka nanaman, ikaw, kamusta ka?” Taas kilay na sambit ni Ryen.
“Ilang linggo kang hindi umuuwi ditto sa condo. Anong meron sayo ha?” Taas kilay niyang sambit.
Ayan na ng aba ang sinasabi sa hula. Gigisahin na rin nila ako.
“Si Saraiah ina advice-an ditto ha? Hindi ako.” Reklamo ko at nag iwas ng tingin.
“San ka umuuwi?” Tanong ni Saraiah.
“Bahay, nag palamig lang ng ulo.” Sambit ko.
“What do you mean?” Tanong ni Saeaiah, oo nga pala, hindi siya aware.
“May bahay na solo yan si Annaya. Umuuwi lang siya doon kapag nag papalamig ng ulo, in short, kapag nag aaway sila ni Noah.” Sambit ni Ryen.
“Grabe, may inuuwian ka naman pala?” Natatawang sambit ni Saraiah.
“Ayoko doon, malungkot, mag isa.” Seryoso kong sambit.
“Bakit umuuwi ka kapag nag away kayo ni Noah?” Tanong ni Ryen.
“Kasi malungkot ako, at gusto kong mapag isa.” Kibit balikat kong sambit.
“Alam niyo naman kapag galit ako, kapag inis. Gusto ko solo ko kasi ang ending naipapasa ko sa iba diba?” Pag kukwento ko.
“Wala pa rin kayong label?” Biglang seryosong tanong ni Ryen kaya mas lalo akong hindi naka imik.
“Seryoso ba?” Hindi makapaniwalang sambit ni Saraiah.
“Oo.” Sambit ko.
“Bakit? I mean how? Why?” Tanong niya ulit.
“We decided to take things slow. Pareho pa kaming hindi ready I take sa susunod na level relationship naming. Right now we’re both enjoying what we have. Contented na at hindi pa talaga fully ready.” Seryosong sambit ko.
“Why would you settle sa no label?” Reklamo ni Saraiah.
“That’s the best thing both of us can offer. Ayaw din naman naming pakawalan ang isa’t isa o might as well just go with the flow nalang.” Sambit ko.
“Simula nung college pa yan diba?” Sambit ni Saraiah.
“Oo.” Pag amin ko.
“Tagal na, tapos hindi pa kayo willing mag take ng another big responsibilities? Aba’y hindi pa naman kayo mag aasawa, lalamanan lang ng label.” Reklamo ni Ryen habang naka taas ang kanang kilay.
“I like it this way. Ako ang hindi ready.” Sambit ko dahilan para mapasapo sila sa kanilang ulo.
“Isa ka rin palang mahirap intindihin e.” Napapa iling na sambit ni Saraiah.
“Bakit hindi ka pa ready?” Tanong ni Ryen.
“I am scared. Sa mga pwedeng mangyari at sa mga nangyayari. It’s too overwhelming for me at talagang nahihirapan pa ako mag adjust and mag adopt.” Pag amin ko.
Halos hindi ko nga alam saan ko pinupulot mga sinasabi ko when in fact, kasal naman kami ni Noah??
Wala nga lang singsing.