“Go na, I’ll watch you.” Naka nguso kong sambit. Thank God at ang hotel na pinag stay-an nila Noah ay parang condo style, kumpleto sa gamit at kitchen. Unang hinugasan ni Noah ang mga strawberries. Isa-isa niyang sinabon at banayad na binanlawan sa tubig. Tapos pinatuyo niya gamit ang tissue. Sabi niya, “Kailangan daw tuyong-tuyo para kumapit ang Nutella.” Ang cute kasi sobrang seryoso niya habang tinutuyo ang mga prutas. Nakakatuwang panoorin kasi bihira ko siyang makita sa kusina na ganito ka-focused and he’s literally talking to himself. Para bang nag tutorial sa akin kahit alam niyang hindi ako totally nakikinig. Pagkatapos, tinusok niya yung bawat strawberry gamit ang toothpick. Sa part na may dahon niya ito tinusok para madali raw hawakan mamaya. Sabi niya, mas madali i-dip sa Nut

