KABANATA 12

1327 Words
( COLLEGE DAYS ) “So anong plano mo? Ganyan nalang literal? Iwasan kayo?” Tanong ni Ryen. “Malamang, dapat ba may alternative plan ako?” Natatawang sambit ko. “Syempre eto lang din naman ang safest choice ko.” Nakanguso kong depensa sakanila. “E kung pag usapan niyo kaya?” Suhestiyon ni Saraiah kaya napa irap ako. “Amats mo te, paawat ka.” Sambit ko habang umiiling. Wala naman na kaming dapat pag usapan, basically pinili naming mag iwasan sa nangyari, parehong choice, kaya dapat pareho rin tanggapin. “Wala nga kayong gana pareho. Hindi pa nag sasama kapag nag titipon tipon tayo.” Reklamo ni Ryen. “Sisihin niyo siya, arte e.” Kibit balikat kong sambit. “Balita naming kinukulit ka pa rin ni Grey?” Tanong ni Ryen saktong pag dating nila Noah. Himala, sumama siya. “Oo.” Tipid kong sambit at sumandal sa kinauupuan ko saka pumikit. “Akala ko ba?” Hindi tinapos ni Saraiah ang sasabihin niya ngunit gets ko na rin naman. “Kaya nga, makulit e.” Sambit ko habang naka pikit pa rin. “Seryoso ba?” Tanong ni Saraiah. “Oo, bahala siya. Wala naman akong interes at pake.” Sambit ko. “Anong meron?” Tanong ni Noah. “Ah yung kaya no lang.” Sambit ni Ryen sabay lingon kay Saraiah. “Kamusta Noah?” Natatawang sambit ni Saraiah, trying to avoid kung ano man naging topic kanina. “Ngayon nalang tayo ulit nag sama sama, busy?” Dagdag pa ni Saraiah. “Sakto lang.” Kibit balikat na sambit ni Noah. These past few days, something feels different… something feels wrong. Bakit parang may kulang sa araw ko? Bakit parang ang tahimik? Hindi na kami nag-aasaran, hindi na kami nagtutuksuhan, hindi na kami nagkakapikunan tulad ng dati. I try to act okay, I try to pretend na wala lang… pero deep inside, I know I’m not fine. I miss him. Hinahanap-hanap ko yung presensya niya. Yung mga biruan namin, yung mga sagutan naming walang sense pero ang saya. Yung simpleng sulyap niya habang pinipikon ako. Akala ko noon, nakakainis yun, pero ngayon, hinahanap-hanap ko na yun araw-araw. It hurts more than I expected. Kasi bigla na lang siyang umiwas. Bigla na lang siyang naging cold. Parang may pader na sa pagitan namin. I heard something, na baka may gusto raw siya sa iba, actually hindi lang gusto e. I know he has a plan to court that someone. I laughed it off in front of my friends, but deep inside, parang may kumurot sa puso ko. So I did the same thing… umiwas din ako. I thought maybe it’s better that way. Kung may iba siyang gusto, then maybe I should just stay away. Respeto na rin sa babaeng nagugustuhan niya at para na rin sa sarili ko. Pero habang iniiwasan ko siya, mas lalo ko lang siyang naiisip. Mas lalo kong nararamdaman yung "kulang." Yung parang may parte ng araw ko na hindi buo. I keep looking at the places where we used to hang out, the hallway where we always meet, the classroom corner where we used to sit near each other. Lahat yun ngayon, wala na. Tahimik. Malamig. Sometimes, I wonder... what if mali lang pala ako ng akala? What if all this time, I assumed something that isn’t even true? What if, just like me, he also thought na may gusto akong iba? Kaya siya lumayo. Kaya kami nagkaganito. Ang sakit isipin na dalawa kaming nagkakagustuhan pero parehong takot, parehong mali ng akala. Kung sana may isa lang sa amin ang naglakas-loob, baka hindi kami nasa ganito. Baka masaya pa rin kami, nag-aasaran, nagtatawanan. I don’t know how to fix this. Hindi ko alam kung kaya ko pang lumapit, o kung huli na ang lahat. Pero isa lang ang alam ko, I miss him. I miss us. And no matter how hard I try to move on or ignore it, my heart keeps coming back to him. “Hoy Annaya, kanina ka pa tinatawag.” Reklamo ni Saraiah na ngayon ay nasa tabi ko na pala. “Lalim ng iniisip.” Tumatawang sambit ni Davian. “Kung nalulusaw lang yung isa diyan. Kanina pa siya tunaw.” Sambit ni Ryen kaya napa taas ang kanang kilay ko. “Naka titig ka kay Noah. Nakikipag titigan ka.” Bulong ni Saraiah na ikinagulat ko. “Hindi ko namalayan.” Patay malisya kong sambit. “Pasama mag cr, Saraiah.” Sambit ko na tinanguan naman niya. NOAH ( college days ) “Umamin ka nga Noah. Si Annaya gusto mo ‘no?” Diretsong sambit ni Ryen. Walang hinga hinga, walang paligoy ligoy na tanong. “Pwede bang mag sabi ka bago ka mang gulat?” Reklamo ko. I was caught off guarded. “Yes or no lang.” Sambit niya at bahagyang tumawa. “Yes.” Kibit balikat kong sambit. Hindi ko naman ikamamatay kung malalaman ng mga kaibigan ko e. “Bakit hindi ka umamin?” Tanong niya. “May Grey.” Seryosong sambit ko. “Kwentuhan mo nga ako hanggat wala yung dalawa.” Excited na sambit ni Ryen at kita ko naman na tinanguan ako ni Davian at Achilles kaya wala na rin akong nagawa. “Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging komplikado ang lahat. One day we were okay, we were laughing, teasing, pretending we hated each other. Pero totoo niyan, I never hated her. Not even close. I was starting to fall for her. Slowly. Quietly. Secretly. And maybe that's where I messed up… I kept it all inside.” Seryosong sambit ko. “I thought it was just a phase. Akala ko, lilipas din. But the more I saw her smile, the more I heard her voice, the more I looked into her eyes , the deeper I sank. Pero syempre, di ko pwedeng ipakita. Kasi may gusto siyang iba.” Sambit ko at nag iwas ng tingin. “Kilala mob a gusto niya?” Interesadong sambit ni Ryen ngunit umiling ako. “Yan tayo e, nag ja jump into conclusions imbis na mag tanong at umamin.” Nakangisi niyang sambit. “May mga araw na gusto ko siyang kausapin, gusto ko siyang biruin tulad ng dati. Pero natatakot ako. Takot akong baka isipin niya may ibang meaning. Takot akong mabigo. Kaya unti-unti, lumayo ako. Tahimik akong umatras. Nagkunwaring wala lang. Pero sa bawat araw na lumilipas, ramdam ko na hindi ako buo. Parang may nawawala.” Seryosong sambit ko. “Willing talaga kayong saktan sarili niyo ‘no?” Napapailing na sambit niya. “Talagang kaya niyo mag give way kesa aminin ang totoo.” Kibit balikat na sambit ni Ryen. “Ha?” Sambit ko. “Wala, tuloy mo na kwento mo.” Nakangisi niyang sambit. “I find myself scrolling through old conversations, reading our old chats, replaying our little moments in my head, the way she laughed at my jokes, kahit corny. The way she’d call me names, tapos matatawa rin siya after. Yung asaran naming walang saysay, pero ngayon, yun pala yung nagbibigay buhay sa araw ko.” Natatawang sambit ko. It’s funny how I can now confessed what I truly felt sa buong pagtatago ko, yet hindi ko kayang kay Annaya mismo sabihin. “Ang weird, no? Nagkakagusto ako pero ako pa yung lumayo. Tapos ngayon, ako yung naghahanap. I miss her. I miss us. Pero I don’t know how to go back. I don’t know kung may babalikan pa. Kasi ang hirap din, I don’t want to assume na ako rin yung gusto niya. Baka kasi mali lang ako ng basa sa lahat.” Dagdag ko. “Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Kung hindi ka mag lalakas ng loob alamin?” Tanong ni Ryen. “Hindi mo naman malalaman yan, unless mag tatanong ka, unless aalamin mo mismo.” Dugtong ni Davian habang nag tataas baba ang kaniyang kilay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD