“Nasa Paris na tayo’t lahat nag mumuryot ka pa rin diyan?” Tumatawang sambit ni Ryen sa akin. Tulog si Saraiah ngayon at kaming dalawa lang ang nag uusap habang kumakain sa may balcony. “Kasi naman.” Inis kong sambit. “Hindi sa ini invalidate kita, pero don’t you think ang babaw lang niyan?” Reklamo ni Ryen. “Hindi naman natin expected na mauuna akong masabi before siya, kasi plan palang yung kanila pero atin naka booked na.” Dagdag niya. “And besides, hindi ka rin nag sabi sakanya na aalis tayo.” Sambit niya kaya napatahimik ako. “Hindi lang naman dahil doon e.” Reklamo ko at saka nag iwas ng tingin. “Then what is it?” Taas kilay na sambit ni Ryen na mas ikinanguso ko. “He didn’t cook my favourite food, hindi rin ako kiniss.” Reklamo ko at mas humaba pa ang aking nguso na agad nam

