BILANG PAGSELEBRA sa kanilang nakamit, nagbakasyon sina Cai at Wilder sa Palawan. Cash ang regalo sa kanila ng kani-kanilang mga magulang. Imbes na maghanda nang magarbo ay napagpasyahan nilang magbakasyon na lang. Hinayaan ni Cai na si Wilder ang mag-ayos ng lahat ng kailangan nila para sa trip na iyon. “Isang room lang ang ipina-book mo?” ang tanong ni Cai nang kunin nito ang isang susi ng kanilang silid sa receptionist ng kanilang hotel. Tumango si Wilder habang inaakbayan siya. Dala-dala na ng bellboy ang kanilang mga gamit. Hindi maiwasan na matensiyon ni Cai. Hindi niya mapigilan ang mag-isip masyado. Hindi niya mapigilan ang pag-ahon ng kaba sa kanyang dibdib. Napapitlag pa siya nang hagkan ni Wilder ang kanyang sentido. Natawa ang binata sa kanyang naging reaksiyon. “Hindi nat

