“HINDI `YAN SANAY na uminom, awat na sa pagbibigay sa kanya ng shots,” ang sabi ni Wilder kay Daniel na binigyan na naman ng tequila shots si Cai. Mukhang lasing na ang dalaga. Alam niyang hindi ito sanay na uminom. Inamin nga nito sa kanya kanina na iyon ang unang pagkakataon nakapasok ito sa isang bar. Umiling si Daniel. “Hindi `yan. Kaya pa ni Cai. `Di ba, Cai?” Nakangiting tumango si Cai. “Kaya ko pa.” Dadamputin sana nito ang shot glass pero inunahan niya. Dinala niya iyon sa bibig at inisang-lagok. Light beer lang ang iniinom niya mula pa kanina dahil nga kailangan niyang magmaneho. Napipilitan lang siyang kunin ang ilang inumin ni Cai na patuloy na ibinibigay nina Daniel at Petra. Dahil medyo lasing na rin ang dalawa, nagiging mas makulit kaysa sa karaniwan na ang mga ito. “Ay a

