KAYA NAMAN NAGLAKAS ng loob si Wilder na magpunta ng Ilocos. Sumama sa kanya si Anthony kahit na tumanggi siya. Kailangan daw niya ng alalay anuman ang mangyari. Umayon man sa kanya ang pagkakataon o hindi. Madaling-araw ng Linggo na sila nakarating ng Pagudpud. Hindi na natulog si Wilder. Hindi siya mapakali sa labis na kaba at takot. Hindi option ang pag-inom kahit na natutukso siya. Kailangan niyang maging sober na sober kapag nakaharap na niyang muli si Cai. Naisip ni Wilder na makakatulong ang sariwang hangin kaya lumabas muna siya sa kanyang silid at nagtungo sa tabing-dagat. Nagpasya siyang maglakad-lakad lamang sa malapit. Payapa roon at napakasariwa ng hangin. Kahit na paano nga ay nakalma niya ang sarili. Hindi niya sigurado kung gaano na siya katagal na naglalakad-lakad nang

