SHEINA "Teka, Jeron, ano'ng ibig sabihin mo diyan, ha? Babalik kang Manila? Magre-resign ka sa trabaho mo?" tanong ko na medyo naloloka naman ng very, very slight dahil hindi naman bbiro ang magdesisyon na lang nang ganoon. Career niya na kasi ang pinag-uusapan dito. "Huwag kang magdesisyon nang padalos-dalos." Nakangiti pa rin siya nang sumagot siya sa sinabi ko. "Wow, Sheina," aniya na parang amazed na amazed. "Hindi pa rin ako sanay na nakikita kang ganyan..." sambit niya tapos hinalikan niya ako bigla sa noo ko, at parang natunaw naman ako sa pagiging sweet and gentleman niya. "Huh? Nakikitang ano?" "Nakikita na concerned ka sa akin," sagot niya naman. "I like it. No, I think I love it. Kapag nakikita ko sa mga mata mo na nagwo-worry ka sa akin, o kaya ay may nasasabi ka dahil sa

