SHEINA Masaya ang tunog ng kantahan ng "Happy Birthday" dito sa bahay nina Jeron. Colorful ang party hat na suot ng cute na cute na si Randel, at pagka-blow niya ng candle ng cake niya ay nagsipalakpakan kaming lahat. Siyempre, present ako at si Nanay. SI Kuya Kris lang sa amin ang hindi naka-attend, dahil nga may trabaho itong hindi niya pwedeng iwasan sa short notice lang. Pero kahit siya ay gustong mag-attend sa birthday ni Randel, dahil katulad ko, nang malaman ng pamilya ko ang posibleng pinagmulan ng bata ay malakas na rin ang kutob nila na kadugo nga namin si Randel. Kaya naman laking pasasalamat ni Jeron sa amin na tinanggap namin ang bata. Hind niya nga maitago ang tuwa, lalo pa't tila wala na ring galit sa kanya sina Nanay at Kuya. Magkaiba nga lang sila ng naging paraan sa pak

