SHEINA "Ano'ng pinagsasabi mo, Jeron?" sagot ko sa kanya, dahil na-caught off guard ako sa 'big revelation' niya. "Baliw ka na ba? Ano'ng technically, hindi ka nag-cheat? May nalalaman ka pang technicality, eh wala naman sa akin yan! Nag-cheat ka pa rin, tapos!" "I know, Sheina," sagot niya ring medyo malamig na ang boses. "Alam ko namang hindi na magbabago ang desisyon mo. Pero gusto ko lang linawin sa 'yo yun. Dahil hindi talaga kami nag-s*x ni LJ. Kahit siya ay inamin yun sa akin." "So? Ano naman? Kahit pa totoo yan, hindi mo pa rin mababago ang katotohanan, Jeron. Na inilihim mo sa akin na nakatira kayong dalawa ng best friend mong haliparot sa iisang bahay, at nag-inuman pa kayo. At saka kahit na nag-hallucinate ka lang at hindi mo talaga naipasok 'yang ano mo sa kanya, nag-make ou

