8 YEARS EARLIER.
“LA LA LA LA...” Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad papasok sa school namin.
Excited akong pumasok ngayon dahil bukod sa first day ng school ay last year ko na rin bilang isang high school student. Yes, fourth year high school na ako. Finally, makakatapos na rin ako sa secondary school. Ga-graduate na rin ako at aakyat sa
stage habang nakasuot ng toga. Haaay.. Punung-puno talaga ako ngayon ng high energy ng sa pagiging positive vibes! Feeling ko ay walang kahit na sino ang
makakasira sa napakagandang araw na ito!
“Weirdo the Ugly Duckling ! Weirdo the Ugly Duckling! Weirdo the Ugly Duckling! ”
sigaw ng mga second years students na puro lalaki na nakasalubong ko papasok.
Kilala ko na sila. Sila iyong mga first year students last year na alaga akong tuksuhin dahil sa physical kong kaanyoan, sa pagiging weird ng aking ugali at sa pagiging unique ko sa iba . Nag-smile ako sa kanila at nag-wave pa.
“Hello sa inyo! Good luck sa first day ng school, ha?”
“Hindi ka ba naaasar sa amin, Weirdo the ugly duckling?”tanong ng isa sa mga nanlalait sa akin.
“Ha? Bakit naman ako maaasar? Kayo talaga...”
"Eh kasi, tinatawag ka naming Weirdo the ugly duckling?" Tawanan silang lahat.
Nagpaikot-ikot ako at nakangiting tumigil paharap sa kanila.
“Bakit naman ako magagalit sa inyo?
at Weirdo Ugly duckling naman talaga ako. Sige, maiwan ko na kayo, ha?
Bye!" Kakamot-kamot na lang sa ulo ang mga nanlalait sa akin nang iwanan ko na sila.
Angakala siguro nila ay mapipikon ako dahil nilalait nila ang kaanyoan ko. Doon naman sila nagkakamali. Hindi ba sila napapagod? Isang taon na nila akong tinatawag na
“Weirdo the ugly duckling” pero hindi ko naman sila pinapatulan. Ang mga ibang tao talaga, porke't kakaiba ako, ang tingin nila sa akin ay isang alien na dapat pagtawanan. Pare-parehas lang naman kaming nilikha ng Diyos.
Napakaganda ng buhay para isipin ko pa ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa akin. Mahal na mahal naman ako ng Mama Kzen ko. Binusog niya ako sa love kaya naman very high positivity ang pananaw ko sa lahat ng bagay.
“Good morning, classmates! Happy first day of school sa ating lahat!” lyon agad ang sinabi ko pagkapasok ko ng classroom pero walang pumansin sa akin. lyong iba, nagkukwentuhan. lyong iba naman
ay binibida ang mga gadgets nila. May ibang tiningnan lang ako sabay irap. May narinig pa nga ako na nagsabi na, “Naku! 'Andiyan na naman ang loka-lokang si Weirdo the ugly duckling!”
Hay naku! Hindi dapat ganiyan. Dapat
sinasalubong nila ang first day of school with a bang!
BLAGH!
Napasubsob ako sa sementong sahig nang may biglang bumangga sa likuran ko. Pagtayo ko ay nakita ko si Hazelyn Dy-ang half American kong kaklase na ubod ng puti. Naka-crossed arms siya habang nakatingin
sa akin. Kasama niya ang bestfriend niyang si Payton.
Maganda si Hazelyn . Maputi talaga ito at artistahin ang datingan niya kaya naman siya ang palaging class muse namin simula elementary. Habang ako naman ay palaging president.
“Naku, sorry, Hazelyn. Nakaharang yata ako sa dadaanan mo kaya nabangga mo ako. Alam ko naman na hindi mo iyon sinasadya dahil—”
“Sinasadya ko iyon!” Nakataas ang kilay na putol niya sa pagsasalita ko.
“Oo. Sinasadya niya! ” Second the motion talaga lagi si Payton kay Hazelyn. Hindi rin ito papadaig sa pagmamaldita ng bestfriend nito.
“Hazelyn...”
“Ilang bubuyog ba ang nakatira diyan sa buhok mo, Jenny?" Nagtawanan ang mga kaklase ko sa sinabi ni Hazelyn.
Nag-smile lang ako. "Nagkakamali ka, Hazelyn. Hindi ito beehive, walang bubuyog dito. Buhok ko ito. Tingan mo, hawakan mo pa.”
"Eww! Ayoko nga! Nakakadiri! Baka magkaroon pa ako ng galis sa kamay”
“Hindi naman. Nag-sha-shampoo naman ako.” Itinirik niya ang kanyang mga mata at naglakad na. “At sinasadya ko ulit ito!” Binangga niya ulit ako habang papunta siya sa kanyang upuan.
“ At inasadya niya ulit iyon!” Second the motion si Payton na naman.
Sinundan ko na lang si Hazelyn ng tingin at nang magtama ang mata namin ay nag-smile ako sa kanya inirapan lang niya ako.
Naiintindihan ko naman kung bakit maldita si Hazelyn. Ang alam ko kasi ay naghiwalay ang parents niya. Nasa mommy niya siya ngayon. Siguro, nalulungkot lang siya kaya iyong kalungkutan niya ay pinagtatakpan niya ng kamalditahan niya. Saka sanay na rin naman ako sa kanya. Elementary pa lang ay ganiyan na siya sa akin. Favorite niya talaga akong i-bully dahil sa Weirdness ko.
Maraming tao man ang ginagawang katatawanan ang pagiging pangit ng physical na kaanyoan ko, kahit kailan ay hindi ko naisip na magalit. Ito na kasi ang ibinigay ng Diyos sa akin at naniniwala ako na someday ay makakatulong sa akin ang
pagiging Weirdo ko. Huminga na ako ng malalim at nang papunta na ako sa upuan ko ay biglang dumating ang bestfriend ko na si Xyron Javier o Xyrine.
“Maaars!!!” Pakembot-kembot na lumapit siya sa akin at nakipagbeso-beso. Kinuha niya agad ang compact mirror niya upang tingnan ang mukha niya doon.
“O, bakit naman nananalamin ka?”tanong ko.
“Chini-check ko lang naman kung nagkaroon ako ng Weirdo at kapangitan sa feslak ko. Nakipagbeso-beso kasi ako sa'yo.”
“Grabe ka naman, Mars..”
“Joke lang! I miss you, Mars!”
“Miss ka diyan! Magkapitbahay lang naman tayo. Araw-araw naman tayong magkasama no'ng summer vacation. Di ba nga, finally ay nagpatuli ka na. Congrats, Mars!”
“Gague ka! Bunganga mo naman! Dinig na dinig ka ng mga classmates natin!”
“Be proud dahil tuli ka na, Xyrine! Tara na nga sa upuan.” At hinila ko na siya sa upuan naming dalawa.
“MARS, alam mo ba ang bali-balita? May bago daw tayong kaklase. Ang alam ko ay boylet!” kinikilig na sabi sa akin ni Xyrine habang naglalakad kami papunta sa canteen. Break time na kasi namin.
“Talaga? Bakit naman parang kinikilig ka?”
“Baka kasi gwapo o kaya ay cute! Dapat pala nagsuot ako ng long gown today para mapansin niya agad ako. What do you think?”
“I think, lumalandi ka na naman. Alam mo, ang isipin mo dapat ay sana mabait siya at hindi bully. Para naman hindi na madagdagan ang bully sa school na ito.
Kawawa naman kasi iyong mga estudyante na biktima ng bullying. Nagiging reason kasi ito ng suicide at iba panng emotional problems. Kaya sana lang talag—”
“Hep! Hep! Tama na! Okay na. Gets ko na, o.
Preno na, pwede? ”
Nag-smile ako. “Okay. Ano bang kakainin mo?”
“Libre mo ako?”
“Hindi. Libre mo.”
“Gagueng 'to!" natatawang sabi ni Xyrine sa akin.