LUCCA "LUKE" BELMONTE Sobrang hiyang hiya ako ng mangyari iyon. Ano bang pumasok sa kokote mo at di ka tumitingin sa dinadaanan mo?!! Nakaupo ako sa kama niya, hindi ko alam ang sasabihin ko. Nang magsalita siya na halatang hindi mapakali sa kakaikot sa kwarto. "I'm sorry about that, I--I didn't see that... Amm.. Uhhh.. Coming." halos mautal na sabi niya na ikinalito ko pa lalo. Habang kumukuha sa closet ng damit ay napatingin ako sa kanya, basang basa din siya tulad ko ngunit hindi pa siya nakakapagshower. Paniguradong magkakasakit siya kapag nagkataon. "Amber, I think, kailangan mong mag take ng shower?" sabi ko, mahina iyon ngunit sapat na upang marinig niya, napatingin siya sa direksyon ko. Napatingin akong muli sa kanya, ano ba ang kinababaliwan ng mga babae sa tulad niya? She

