AMBER GRAY MONTEFALCO Nasa school ako ngayon at heto si Megan, panay ang kapit sa'kin. Halos mag hapon ay hindi niya ako bitawan, panay din ang tingin ng iba samin ngunit para sa'kin ay wala lang naman iyon. Every person who tries to stare at me with malicous stare ay binibigyan niya agad ng nakakamatay na tingin. Hinahayaan ko nalang siya sa ginagawa niya. Minsanan ay naiisip ko si Luke but I always try to divert my attention to Megan, why don't I try to court her at maging kami nalang? Baka sakaling madivert ang feelings ko sa kanya. While walking ay biglang nakasalubong namin si Rizz and as usual akbay niya ang kanyang girl friend. Infairness naman kay Bianca, maganda naman siya if matuto lang siyang magpaganda. "Amber! Hi!" maligayang bati niya sa'kin. Aktong tinarayan naman agad

