AMBER GRAY MONTEFALCO Nagising ako dahil sa sinag ng araw sa kwarto. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at nagulat ako sa mga nakita ko. Wala ako sa sarili kong kwarto at iba ang bihisan kong damit. Sino naman kaya ang nagdala sa'kin dito? Dahan dahan muna akong tumayo saka hinimas ang ulo ko. Ang sakit, gawa ito ng hangover ko kagabi. Aware ako na nakainom ako pero hindi ko na alam kung saan ako sumunod na nagpunta. Inilibot ko muna ang mga mata ko sa kwartong ito, may kaliitan ito at kulay blue at skyblue ang pintura, ang sahig naman ay yung tipong finofloor wax pa para kumintab, ang kama niya ay nasa bandang gilid na ng kwarto at may Katamtamang laki ng cabinet naman na malapit sa isang pinto. Ito siguro yung CR. Chineck ko kung CR ba talaga iyon at tama nga ako. Pumasok

