AMBER GRAY MONTEFALCO Pagkauwi namin ng Manila ni Luke ay inihatid ko muna siya sa kanila saka ako umuwi ng bahay. Tutal sunday naman ngayon kaya hindi naman ako matatraffic pauwi samin. Pagkauwing pagkauwi ko ay agad na sumalubong si Emerald sa akin, nakaupo ito sa sofa at parang may kinakalikot sa cellphone niya. "How's the trip?" tanong nito. "It was... Great!" excited kong sabi sa kanya. Bahagya nalang itong ngumiti sa'kin. "Better." sabi nito. Bigla itong tumayo saka nagpaalam na aalis daw. Na ikinataka ko. Tuwing sunday kasi ay hindi umaalis si Emerald ng bahay unless kung may mga kailangan siyang appointments at dadaluhan na events. Like interviews or special occasions. Si Emerald ang medyo masunurin saaming dalawa. Susnod sunuran ito sa amung nga magulang kung kaya't naging pa

