AMBER GRAY MONTEFALCO
Ang bilis magdaan ng mga araw. Hayy... bakit ba ang boring ng buhay ko?
Habang nag lalakad papuntang Starbucks malapit sa Condo ko ay may biglang pumulupot sa mga braso ko sa bandang kaliwa ko.
"F*ck!" napasigaw ako sa gulat. Hindi ko kasi alam kung sino bang tao ang bigla biglang pupulupot sakin.
Si Meg pala. Isa sa mga nagkakagusto sa'kin na hindi ko pinapansin.
"What are you doing?" iritang tanong ko. Paano ba naman ay umagang umaga ay may asurot agad na nakadikit sakin na parang linta.
"Woah. That's rude. Ganyan ka ba makitungo sa mga Admirers mo Gray?" sabi nito sabay taas ng kanang kilay.
Well, Si Megan Salcedo ay isa sa mga anak ng business partner ni Dad, she's undeniably gorgeous and sexy as it is. Kaso, ewan ko ba bakit hindi ako tinatablan ng alindog niya.
"Well don't you know to say Good Morning kesa sa nangugulat ka d'yan. Malay ko ba na baka holdaper pala ang umakay sa braso ko." Napa simangot ako sa inis. Kinabahan kasi talaga ako doon seryoso.
"Okay, I'm sorry babe. Next time okay? I'll make it up to you." Malambing na sabi nito sabay halik sa pisngi ko. Hayy. Ganito na ba ako ka gwapo para habulin ng mga babae?
Nung nakaraan lang si Raine ang humahabol sakin, ngayon naman itong si Megan naman ang panay ang pangungulit sakin. She's not my ex naman at sa pagkakatanda ko ay wala naman kaming naging relasyon nitong babaeng to pero di ko alam sa kanya, bakit ako ang trip niya ngayon.
Pagpasok namin ng starbucks ay agad siyang naupo sa mini sofa na dalawang seats na magkaharap at may coffee table naman ito sa gitna.
"What do you want?" Sabi ko habang nakatayo at naghihintay ng order niya.
"You know me Gray." Sabi nito sabay kuha ng phone sa pouch na dala niya.
"Well, pwede bang tigilan mo muna yang kaka f*******: mo at sagutin MOA ng tanong ko." Inis kong sabi habang nakatitig sa kanya.
"One Americano and hmm? Choco chip cookie will do." Then she gave me a sweet smile.
Napapailing nalang ako sa babaeng 'to. Ang arte! Akala mo kami pero hindi naman.
Nag punta naman ako sa counter at sinabi 'yong mga order namin sa cashier saka nagbayad.
Bumalik ako sa upuan namin dahil sabi ng kahera ay idedeliver nalang sa mesa namin yung order namin.
Hindi ko siya iniimikan dahil wala naman akong maisip na mapag uusapan namin.
Hanggang sa napansin niyang tahimik ako.
"Bad mood?" takang tanong nito saka ako mariing tinignan.
"Nope." Maikli kong sagot. Sa totoo lang ayaw ko muna ng babae ngayon dahil masama ang gising ko.
"Hey? Are you okay?" nagalala na siya ng di na ako umumik matapos ko siyang sagutin ng napakaikli.
"Yes... I am. So... How's work Ms. Salcedo?" pag iiba ko. Paano ba naman ay lalandiin nanaman ako nito. Hays talaga naman.
"Ouch.... Gray you're too formal na ha. San ka natuto niyan?" nangingiti ako sa babaeng 'to. Infairness ha, yung kaartehan niya nakakatawa.
"Hmmm... Wala so kamusta ka na nga kasi" pag pupumilit ko. Hay nako.
Nakita ko na inilapag ng staff nila yung orders namin saka umalis.
"Well as usual, my Dad wants me to study abroad for some business courses. Actually nag away pa nga kami dahil don." Sabi niya habang kinakain yung choco chip cookie niya.
"Awww... That's rude." Sabi ko habang humihigop ng paborito kong kape.
"Ayaw kong umalis Gray. I wanna be with you." She said while intently stared at my eyes.
Hindi ako umimik dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa sinabi niyang iyon.
Matapos kong maubos ang kape ko ay nagpaalam na din ako sa kanya at ganoon din siya sakin. Paglabas ng Starbucks, we parted ways.
Hayy... Nakakasawa din pala ang mangbabae lang, flirt with different Girls and have s*x with them. Nakakasawa din pala, gusto ko maranasan ang tinatawag nilang Love. Yung tipong hindi ako makakatulog sa gabi dahil sa kakaisip sa taong nagugustuhan ko, yung tipong kikiligin ako dahil sa naaalala ko bawat ngiti at pagtawa niya kahit hindi man ako ang dahilan ng mga iyon.
I wanna fall in love, fall in love who deserve my trust and will accept me as I am.
-----
LUCCA "LUKE" BELMONTE
Bagong araw nanaman para sa'kin. Heto ako ngayon, maaga naman gumising para maagang makapasok sa Shop at the same time ay para maipaghain ko sila Nanang ng makakain nila bago sila magising. Si Venice naman ay alam kong sa mga oras na ito ay naliligo na rin at nag aayos para makapasok sa School.
Dali dali na din akong nagtungo sa kwarto saka naligo.
Nang matapos akong maligo ay nagbihis na agad ako saka lumabas at nagpunta sa sala.
Narinig kong binuksan ni Venice yung TV.
"Magkakaroon daw ng bagyo mamayang gabi." Sabi nito habang hawak ang remote.
"Anong oras daw?" tanong ko habang nag aayos ako ng sarili sa salamin.
"Baka mamayang gabi or hapon daw sabi ng weather forecast" at tumayo na din siya para pumunta sa dining area.
"Ate, anong niluto mo?" sabay tingin sa kawali.
"Pritong itlog. Kumain ka nalang d'yan at mauna na ako sa'yo." Sabi ko sabay bitbit ng bag ko at lumabas na ako sa bahay.
****
Isang sakay ng tricycle mula sa'min ay nakarating na ako sa Laundry Shop.
Nasurpresa ako dahil maaga ang Partner ko ngayon.
"Wow ang aga ah! Bihira lang mangyari yan." Pagbibiro ko.
"Haha. Walang'ya ka Luke. Ay siya nga pala nakita ko yung delivery book natin." Aktong sabi nito.
"Oh? Anong meron dun?" sabi ko habang inaayos ko ang gamit ko at aktong ilalagay ito sa Locker.
"Tungaks! Madami tayong pending delivery. Kaya buong araw kang magdadrive! HAHAHA" sabay halakhak ng tawa, putek na yan.
"Sunod sunod kaya yung tumatawag at text sa'tin. Hinahanap na yung mga damit nila sa'tin." Sabi ni rina habang iniiscan pa din ang Delivery book namin.
Mayroon kasi kaming tinatawag na Delivery book na kung saan nakalagay ang details ng Customer at yung mga pinalabang damit samin, they have their contact number also kaya pwede namin silang itext anytime na pwede na naming ideliver yung damit sa kanila.
Chineck ko ang delivery Book namin at nakita ko na nasa 20 mahigit ang pending for delivery. Gosh! Ag dami!
"Ang dami nga! Paano kaya ito?" nataranta na ako sa dami ng idedeliver ko ngayong araw.
"Kaya mag handa ka na. Pinagas-apan mo ba 'yong Multi cab natin d'yan sa labas?" Tanong ni Rina sakin.
"Hmm... Oo? Di ako sigurado e." sabi ko habang ina ayos 'yong mga idedeliver.
"Kumuha ka dito ng 1,000 para maipa gas mo yung Cab natin, mahirap na, halos buong araw kang mag dedeliver, alam mo namang sa'ting dalawa, ikaw lang ang may lisensya" sabi nito habang nakatitig sakin.
"Okay lang" sabay kuha sa lagayan ng pera ng 1,000 para sa gas. "O pano ba yan ikaw na muna ang bahala dito sa shop ha?" sabi ko habang bitbit 'yong mga idedeliver.
*****
Sa dami ng nadeliver ko ay di ko na alam na tanghali na pala.
Itinabi ko muna yung sasakyan saka nag pahinga. Nakakapagod din kasi ang magtrabaho gayung tanghaling tapat pa.
Nang makainom ako ng tubig ay nagsimula ulit akong umarangkada, may natitira pa akong 11 customer na nag hihintay ng deliver nila. Natadtad na nga ako ng text ng mga customer namin.
Habang nagdadrive ay may napansin ako sa isang sidewalk sa bandang kanan na babaeng naglalakad.
Medyo traffic na din kasi sa bandang dinaanan ko kaya medyo mabagal ang pag andar ko ng sasakyan.
She's wearing a Plain black cap, naka ponytail ang buhok, maong ripped shorts and Simple Vans Sneakers, tinernohan naman niya ito ng Plain V neck shirt kaya mas lalong bumagay sa kanya.
Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng Sunglasses. Parang pamilyar sa'kin ang mukhang 'yon?
Wait? Kamukha niya yung nag add sa'kin sa f*******:!
Natigil ang pag iisip ko ng marinig kong bumubusina na ang nasa Likuran kong sasakyan.
Saka ko ito pinaharurot at tinignan ko nalang sa may right side mirror ko 'yong babae.
Ang kinis niya ha. Infairness. Wait? I'm checking her out? Tsk tsk STRAIGHT KA LUKE OKAY? STRAIGHT AS A POLE!
Dumating ang hapon at matatapos na ako sa ginagawa kong deliver. Grabe ang pagod na dinanas ko.
Tinignan ko yung pinakahuling nasa list, nakalagay ang pangalan na EMERALD MONTEFALCO.
Nakalagay ang address n'ya at doon ko siya pinuntahan. Mga Dress kasi ang damit na pinalaba niya.
****
Sa isang condominium pala siya nakatira.
Pinark ko muna sa basement ang sasakyan saka kinuha ang damit niya.
Pumasok na ako sa elevator saka pinindot ang 16th floor.
Nang marating ko ang 16th floor ay agad kong hinanap ang Unit number niya. "1607"
Nakita ko na agad ito saka nag doorbell.
Mga tatlong doorbell ay binuksan din ito ng tao sa loob. Hay sa wakas!
"Hi?" sabi ng babaeng napaka ganda. Napangawi ako sa kagandahan niya. Ewan ko ba pero parang lumakas ang t***k ng puso ko.
"Hello, amm.... Ah ano may delivery po kayo, galing sa Bubble's Laundry Shop." At saka ko inabot ang nakabalot na plastic.
"Ah... Okay sige." Parang nakita kong nanlaki din ang mga mata niya. Kilala niya kaya ako?
"Pakipirmahan nalang po ito for confirmation" saka ko inabot ang papel at resibo nya.
Pagkatapos niyang mapirmahan iyon ay ibinigay ko na ang resibo saka yung damit na nakabalot sa plastic.
Aalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita.
"Wait, ammm Miss?" sabi nito habang mariing nakatingin sa akin.
"A-ano po yun?" sabi ko habang nagtataka ako kung bakit niya ako tinawag.
"Ikaw ba si Luke Belmonte?" tanong nito.
"Hmm... O-opo bakit?" sabi ko, kinakabahan kasi ako sa babaeng to.
"Hmm... Can I get your number or something?" sabi ng babae.
Hindi ako sumagot dahil sa gulat. Aanihin niya naman ang number ko?
"Meron po kaming telephone contact number, incase po na may nawala o may missing po sa mga damit na pinalaba niyo ay pwede niyo po kaming tawagan." Sabi ko habang tinuturo ko yung bandang ibaba ng receipt.
"Hahaha. Nahh. It's not what I mean, I want your Mobile Number. As in 'yong sa'yo" natatawa niya pang sabi na ikinapula ng mukha ko dahil sa pag kapahiya.
"Ahhhhhh." Nakakatulala 'yong ganda niya. s**t! Straight pa ba ako?
Sinulat ko na lang sa kapirasong papel yung number ko saka ito binigay sa kanya.
"Well, thanks. Text na lang kita" sabi nito saka sinara ang pinto.
Ano kaya ang mayroon at kinuha niya ang number ko? Hmm...