AMBER GRAY MONTEFALCO Narito na ako sa mansion ng bandang 6:30pm. Sabi naman ni Emerald ay 7:00pm mag uumpisa ang event. Medyo dumadami na din ang tao dito, mga bigating artist ang narito tsaka ibang fashion designers, may mga amateur at mayroon namang professional. Sabi din pala ni Emerald ay dapat naka mask daw kami. Medyo weird pero sumunod na lang din ako. Suot ko ngayon ay isang evening gown, may 3 kulay ito. Gray, silver at dark gray, sinabayan ko pa ng diamond mask, half mask lamang ito. Naglibot muna ako sa mansion at sa event place para malibang ako. Habang tumitingin sa kung saan saan ay may pamilyar na pigura akong nabungaran. Alam ko kung sino siya, hindi ko na kailangan pang lumapit sa kanya para makilala siya. Si Luke. Sa ngayon, dama ko yung kabog ng dibdib k

