Aria POV: Saturday came, maaga kaming umalis ni Kerr papuntang city. Plan naming mag car hunting muna bago mag grocery at bilhin ang lahat ng gamit at kailangan sa bahay. Nakakita kaming auto car dealer, pumasok kami sa show room nila at agad kaming inintertain ng mga sales agent. Ako pa tingin tingin lang sa loob, puro magaganda ang nakita kong mga sasakyan. Lahat brand new. Gusto mo ba ang brand dito? Tanong nya Huh, wala akong alam sa sasakyan, ikaw nalang pumili; saad ko. What color do you prefer? Any model or design of your choice? Mas lalong wala akong idea, madami palang dapat I consider sa pagpili. Hhmm gusto ko ang mga dark combination of colors, like metallic grey, dark maroon, cherry red, burgundy or di kaya silver gray metallic, iyan ang mga preference ko, kahit alin dyan.

