Third Person POV Taga dito ba sya? Tanong ng isang lalaki na kainuman ng mga kapitbahay ni Aria. Ah si Aria? Oo local yan dito. Iyan ang bahay nila; sagot ng kainuman. Bakit magkakilala ba kayo? Tanong ni Cora na may ari ng tindahan na ipag inuman nila. Di ko sya personal na kilala pero nakita ko sya noong nakaraan, kapitbahay nila ang tiyuhin ko. Akala ko single pa, nagandahan kasi ako, pero nong nalaman ko na may asawa na, eh dumistansya na ako; sabi nong lalaki na nagtanong. Huh! Walang asawa yan. Dalaga pa yan, may anak nga lang; sagot ni Cora sa lalaki. Di may asawa na, iyon nga sabi nong lalaki na kasama nya. Sinaway pa nga nya ang asawa na tumigil na sa pag inum kasi lasing na. Di ata sanay sa inuman kaya madaling nalasing. Balita ko nga yong asawa pa nya gumastos ng handaan.

