“Yes, master,” ani Harper sa kabilang linya. Pagkagising na pagkagising ni Matteo ay agad niyang tinawagan ang kaibigan. “How was it? What was happening there?” tanong niya. Medyo aburido siya at hindi mapalagay. Hindi niya kasi makontrol ang sariling nararamdaman. Nag-aalala pa rin siya nang husto para kay Adelhine kahit kasama naman nito ang mga taong pinagkakatiwalaan at pinagkakautangan niya ng kaniyang buhay. Narinig niya ang mahihinang usapan sa kabilang linya. Narinig niya rin ang pagtayo ni Harper. “Sorry . . . Lumayo lang ako kina Bruce at Perry,” sagot nito pamaya-maya. “She’s well, master. Wala kang dapat na ikabahala,” paninigurado pa nito sa kaniya. “And how about the lady she’s going to meet?” “She’s already here. Nag-uusap na silang dalawa— nagtatawanan habang kumakain.

