Panay ang buntonghininga ni Adelhine habang nakaupo siya sa sala ng bahay nila ni Marco. Naroon iyon sa isang exclusive subdivision sa lungsod. Mayayaman lang naman ang puwedeng tumira doon dahil lote pa lang, milyon na ang halaga. Ganoon kayaman ang napangasawa niya. Walang pasok dahil Sabado. At kapag ganoon, hindi naman siya lumalabas unless may magyayaya sa kaniya. Ang kaniya namang asawa, kapag weekends, palaging wala sa kanila. Hindi na siya nagtatanong kung saan ito pumupunta, hindi rin naman kasi siya makakuha ng matinong sagot dito. As long as umuuwi ito at walang ginagawa sa likuran niya, kaya niyang magtiis dahil pinakasalan niya ito. Mahigit limang buwan na rin silang kasal, subalit ibang-iba na ang Marco’ng nakilala niya noon, sa Marco na kasama niya sa mga sandaling iyon. M

