Naligo muna si Adelhine pagdating nila ni Matteo sa rest house. Paglabas niya ng banyo, nakabihis na siya ng bulaklaking spaghetti strap na bestida. Lagpas lang iyon nang bahagya sa kaniyang tuhod at kitang-kita ang magandang kurba ng kaniyang katawan. Habang kinukuskos ng tuwalya ang buhok, naisipan niyang hagilapin ang kaniyang cell phone. Tiyak ang mga daliring pinindot niya ang numero ng taong tatawagan. “Good morning!” masiglang bati nang sumagot sa kabilang linya. Umangat ang isa niyang kilay. “Traitor! Bakit mo ako iniwan dito, ha?” inis-inisang tanong niya. Hindi na siya ganoon kagalit sa kaibigan dahil sa mga nangyari kanina. Kahit papaano, masaya naman palang kasama si Matteo, basta hindi ito nagsusungit. “I have to, dear. Alangan namang pabayaan ko sila rito,” sagot ni Gabby

